Pages

Wednesday, January 6, 2016

Chapter 31: Finale (Part 1)

Kung umabot ka dito ako na mismo ang magpapasalamat sayo dahil sa pinag tyagaan mo ang story ko...

Thank You Po sa naging pag support mo dito... Isang chapter na lang ending na....

-----

Felix Lim

"Ladies and Gentlemen it is our pleasure to welcome all of you to Los Angeles, For your own safety please remain seated and do not unfasten your seat belts until the seat belt sign is turned off" ang naging announcement na gumising sa akin.

We are finally back in California, just like what I said to papa I will move out. Susubukan kong muling mabuhay mag isa. At first eh ayaw nila pero dumating din ang time na na convince ko sila sa gusto ko.

I have already applied to other university and luckily I was accepted because of my academic records. From UCLA (University of California Los Angeles) I was able to transfer to SDSU (San Diego State University) di ko na ipinaalam kina Sarrah kung saan ako mag transfer dahil nga sa alam kong ipapa alam niya ito kay Dre.

As much as possible gusto kong malayo muna ako sa kanya. I want to heal and accept the fact na wala na si Lance.

It took us a few more minutes bago kami nakarating sa bahay and I don't want to settle down kaya agad kong sinabi kila papa na I want to move out as soon as possible.

"Nak... Are you sure you want to do this?" Ang tanong sa akin ni papa

"Yes pa, you dont have to worry about me, I'll call as much as I can and please do not tell anybody kung saan ako nag transfer even Sarrah." Ang tugon ko

"Ok, we won't pero nak... Anu daw ba ang status mo sa bagong University na yan?" Ang tanong ni Papa Aelvin

"Pa... Most of my previous subjects na nakuha ko sa UCLA ay accredited pero yung mga nakuha ko noon sa Philippines ay hindi nila in-accredit kaya I have to take them again, and based on my calculations eh it will take me another 3 more years para makapag tapos." Ang paliwanag ko sa kanila

-----

Hindi na nila pinahaba pa ang aming pag uusap dahil na rin sa pare pareho kaming pagod sa byahe, agad akong umakyat sa aking kwarto, di na ako nag unpack ng gamit ko since aalis din naman agad ako.

Matagal kong tinitigan ang kisame ng aking kwarto, nag iisip ako ng kung anu-ano pilit ko ring tinatanggap sa sarili ko na wala na si Lance.

Kinuha ko ang maliit na vial na may laman ng abo niya sabi ni Dre sa akin noon ay eto daw ang abo ng puso ni Lance. Di ko mapigilang umiyak habang hawak ko ang abong iyon.

"Beb.... I'm sorry...." Ang sabi ko habang hawak ang vial na yun

"If I could only turn back time...... Kaso di ko na magagawa iyon.... Beb... Alam mong mahal na mahal kita kaya pinag sisisihan ko ang nagawa ko noon sa boracay. It was supposed to be the happiest memory natin pero lahat ng iyon ay nag laho dahil sa kataksilan ko. Lance kung asan ka man please guide me.... Help me move on from you....." Ang bulong ko sa hangin

Ganoon ang naging posisyon ko hanggang sa naka tulog ako.

~3 years later

Graduation day sa SDSU

"B.S. Chemistry Felix Lim... Magna Cum Laude" ang sabi sa stage nang tinawag ang pangalan ko

I am proud na naka kuha ako ng ganoong parangal... Naging napaka bilis ng pahanon simula ng lumipat ako dito. Maraming babae at lalaki ang nagpakita ng interes sa akin pero hindi ko sila binigayan ng pansin sa kadahilanang takot parin akong mag open ng sarili ko.

May isa lang akong naging super close, kahit na ilang beses ko siyang tinurn down eh naging matiyaga parin siya and sabi niya kahit maging mag kaibigan lang daw kami ok na kaya pinag bigyan ko na lang siya sa ganoon.

"Felix!!" Ang sigaw ni Nathan Eoh Hallen

Agad akong lumingon para harapin siya, isa ng malking ngiti ang pinakita niya sa akin. Kung kaya ko lang siguro minahal ko na din siya kaso mas nangingibabaw parin ang takot sa loob ko.

"Chum... Didn't I tell you... You don't have to call me by my name you can call me Chum...." Ang sabi ko

Kumamot lang siya sa batok niya, pareho pa kaming naka toga and pareho kami ng tinapos na kurso kaya naging super close kami sa isa't isa.

"I feel kinda awkward calling you that... I don't want to think that you are already accepting my feelings for you that is why I just want to call you on your first name" ang sabi niya

"Ok... So what's up?" Ang tanong ko

"Aren't you going back to L.A.?"

"I'll be heading home tomorrow... Why?"

"I just want to ask if I can tag along... Since I dont have anyone or anywhere to go" ulila na kasi si Nate namatay ang buong pamilya niya sa isang car accident tanging siya lang ang naging survivor.

"Sure... Both of my father is asking me about you...." Ang sagot ko.

Yes alam nila papa ang about kay Nate and alam nilang ilang beses akong niligawan neto pero I made it clear na walang something sa aming dalawa.

It has been three years since na umalis ako ng L.A. kahit na kasi holidays eh di ako umuuwi lalo na nalaman ko mula kina papa na dumating na last year sa L.A. si Dre and sabi nila eh nag tuturo din daw siya sa UCLA.

Three years of moving on and accepting the fact na wala na si Lance and all I need to do now is to do the final step, yun ay puntahan siya kung saan siya naka himlay.

----

Habang nag byahe kami ni Nate ay napansin niya ang suot kong kwintas na glass heart tapos may lamang abo

"Hey... Felix... I mean... Chum.... Is this a real ash?" Ang tanong niya sabay hawak sa pendant ko

"Yes..."

"As in real human ash?"

"Yes..."

"Is he the reason why you turned me down?"

Agad akong napalingon sa kanya, di ko kasi inaasahan na tatanungin niya ako ng ganoon. Sa three years na pagkaka kilala ko sa kanya ay di ko alam na darating ang oras na tatanungin niya ako ng ganun. Agad ko lang na hinawakan ang pendant saka sinabi sa kanya ang lahat

"Now I know..... He is very lucky to have you... Can anybody imagine that up until now... You still love him... If only I can.... But it is now clear that I could never replace him.... I shouldn't have come along...." Ang sabi niya sa akin sabay tayo

Aalis na sna siya at lilipat ng upuan pero agad ko siyang pinigilan

"Nate please.... I turned you down because.... I am not yet ready.... Please.... I am happy to have known you, even though we are just friends you are special to me...." Ang sabi ko sabay ayos ng kwintas ko para makita rin niya ang singsing ni KM na katabi ng abo ni Lance

Hanggang ngayon pala ay andito pa sa akin ang singsing ni KM kahit na matagal ko na sanang gusto ibigay sa kanya ito pero di ko na iyon na gawa since na nakabalik na pala sila ng London. And just like KM, Lance has been a part of my life and I have to move on kaya ngayon all I have to do is ma finalize ang lahat para sa ikabubuti ko.

----

Sa aming pag dating sa LA ay wala akong inaksayang panahon at agad akong pumunta sa sementeryo kung saan naka lagay ang buong abo ni Lance. Nag iwan lang ako ng bouquet ng white roses

Si Nate naman ay lagi kong kasamaang sabi ko sa kanya I will try to give him chance.... Na siya din namang ikinatuwa niya.

On the second day ng pag dalaw ko sa puntod ni Lance ay may isang pag tatagpo ang di ko inaasahan.

Naramdaman ko ang papalapit na yabag sa akin at doon ko nakita si Dre may kargang bata. Oddly enough kamukha siya ni Lance pero sa malapitan eh nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Di ko alam kung anu ang gagawin ko kung anu ang magiging reaction sa bata pero parang may kung anung hatak sa loob ko nung nakita ko siya

"Hi...." Ang bati sa akin ng bata

Hindi ako sumagot bagkus ay isang marahang ngiti lang ang isinagot ko sa kanya...

"Do you.. Know my daddy Lance?" Ang muling tanong niya sa akin

Nabigla ako sa sinabi ng bata, dito ko napag tanto na siya ang anak namin ni Lance... Ang anak ko kay Sarrah. Di na ako nakapag salita pa, isang matamis na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya sabay tumango.

Agad kong binuhat ang bata at napangiti na lang ako habang karga ko siya, di ko mapigilang manghinayang kung bakit di ko hinanap noon si Sarrah kung alam ko lang siguro ay lumaki siyang may kinkilalang ama.

"Hello baby... What is you name?" Ang tanong ko

"My name is Lanchester IƱigo Felix Mendoza-Lim... But mommy said her twin brother is my daddy Lance and my real daddy is Felix... She calls me by my nick name LIFe since daddy Lance died when I was very little." Ang bibong sagot niya sa akin

Di ko maiwasang di mamangha sa kanya, sa murang edad niya ay alam na agad niya ang katotohanan at parang normal na lang sa kanya ang lahat ng ito.

Nilingon ko si Dre at muli kong nakita na hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin. Mejo naging mature na din ang kanyang mukha pero di parin nawawala ang kanayng angking ka gwapuhan.

Nawili ako sa pakikipag laro ko kay LIFe at hindi ko na namalayan ang oras, halos ayaw ko nang matapos ang araw na ito dahil sa pananabik ko sa sarili kong anak. Tanging ang pag tawag na lang sa akin ng isang boses ang pumukaw sa aking attensyon.

"Felix...."

Itutuloy.....

No comments:

Post a Comment