Pages

Sunday, December 6, 2015

Chapter 27: Dark Times (Part 2)

I am almost at the finish Line hope you guys do enjoy this story... I never thought na makakaya ko parin  na umabot sa ganito kahaba kahit na itinigil ko na ito ng ilang taon. Well I do miss the past since marami sila dati na nag cocoment and nag flood ng likes both here (blogger) and sa Facebook ko pero since natigil ko ito three years ago malabo nang magbalik pa sila since na busy na ang lahat sa kanya kanyang buhay and I know na kasalanan ko dahil pinaghintay ko ng THREE YEARS diyosko kahit ako maiinis pag ganun katagal....

Pero enough of that so here it is hope you do like this part....

Dj Fernandez

"Rina!!!! P**tang *na mo!!! pakawalan mo ako dito!!" ang sigaw ko pero di parin siya lumalapit sa akin

Ilang oras na ang nakalipas mula nang nag kulong sila sa kwartong iyon kasama si Felix. Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko.

"Rina!!!"

"Rina!!! anu pa ba ang kailangan mo!!!" sa aktong iyon ay lumabas siya amy mga bahid ng dugo ang kanyang damit

"Hayop ka Rina!! anu pa ba ang kailangan mo! nakuha mo na ako diba! bakit andito si Felix?" ang saad ko

"I just need him to suffer, kasi inagaw niya ang lahat sa akin" ang sagot niya

"What do you mean, andito na ako diba! ibinigay ko na gusto mo!" ang sigaw ko

"Oo Dj akin ka lang! at walang ibang pwedeng kumuha sayo kundi ako lang pero may iba pang atraso sa akin ang Felix na yan kaya kailangan niyang mag dusa! inagaw na niya ang lahat sa akin, at hindi ako papayag na pati ang mommy ko ay maagaw niya rin!!!" ang sagot niya sa akin

"Anung ibig mong sabihin na pati ang mommy mo? Anung pinagsasabi mo Rina?" ang sunod sunod kong tanong sa kanya

"Hinding-hindi ako papayag na kilalanin siyang anak ng mommy ko dahil ako lang ang anak niya at hindi ang bastardong yon!!!"

"You mean magkapatid kayo sa ina?" ang muli kong tanong

"Surprised? well me too kaya nga dapat ko 'tong gawin. I'm simply eliminating the threat...." ang sabi niya samay ngiti

"Rina! please stop! ako na ang nagmamakaawa sayo please....pakawalan mo na si Felix" ang paki usap ko

"Well let me see, how about.......NO!!!!"

"One reason is that I just want to see you beg for mercy, and hindi ko naman magagawa iyon sayo so, I tried this and well effective siya ha. Let me ask you Dj, anu ba ang pinakain sayo ng Felix na yan at ganyan ka? to think the great Dream Justin Fernandez is begging for the freedom of who, Felix Lim? just who the F**k he think he is? isa ba siyang santo at ganyan ka para sa kanya?"

Hindi ako naka sagot sa kanya sa puntong iyon, di ko nga rin alam kung bakit, pero ang alam ko ay handa akong gawin ang lahat para sa kanya dahil mahal na mahal ko siya.

"Tsss, pathetic. Just look at you. Ibinaba mo ang sarili para sa kanya pero hindi niya kayang suklian ang nararamdaman mo. Kaya dapat pa nga magpasalamat ka sakin kasi I'm taking care of this messy situation that you are in."

Agad din naman siyang nag akad palayo. Ako naman ay nagmukmok na lang hindi ko alam kung anu ang gagawin ko, gusto kong tulungan si Felix pero wala akong magawa

Nasa ganoon akong sitwasyon nang may narinig akong ikinabigla ko

BANG!!!!

Putok ng baril mula sa loob ng silid kung asan si Felix. Agad akong tumayo pero alam kong kahit na anung gawin ko ay wala parin akong magagawa. Pilit kong niyugyog ang rehas pinto hoping na masira ko ito.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Byron mula sa pinto may mga talsik ng dugo ang kanyang damit at naka ngiti ito na parang nagsasabing "SUCCESS"

"Byron!!!  Hayop ka anung ginawa mo kay Felix!!" ang muli kong sigaw

"Oh don't worry, ikaw ang isusunod ko...." agad siyang mapit sa akin naka tutok pang baril sa at sigaw ng "DAPA!"
Alam ko na pag nanlaban ako ay hindi siya matatakot na gamitin ito kaya kahit na labag sa kalooban ko ay agad akong dumapa.

Pumasok siya sa aking kulungan at saka itinali ang mga kamay ko tapos hinampas niya ako sa likod ng ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay

Felix Lim

Muli niya akong itinali kamay at saka ibinitin ito, at dahil nga sa hindi ko magamit ang mga paa ko ay tanging ang mga taling iyon lang ang nagsilbing suporta sa akin para manatiling naka tayo.

Walang habas niya akong pinag susuntok kung saan-saan, gusto kong sumigaw pero tiniis ko ayaw kong ipakita sa kanila na nahihirapan na ako

"Sino ka ba!?" ang saad ko sa kanya. Doon sa mga oras na iyon kasi eh kumpirnado ko nang hindi siya si Lance.

"Anu ba ang kailangan mo sakin?"

"Wala, gusto lang naman namin na gamitin ka para pahirapan ang isang tao" ang sagot ng isang babae mula sa likod niya

Si Rina, Agad siyang lumapit sakin at saka ako sinampal at kinalmot. May dala din siyang maliit na kutsilyo at saka niya ako nito hiniwa sa may tagiliran malapit sa dati kong peklat.

"Masakit ba Felix, or should I say.... Masakit ba KUYA!" ang sabi niya na aking ikinagulat kahit na gusto ko nang sumigaw sa sakit na aking naramdaman ngunit hindi ko magawa dahil sa bumagabag sa isipan ko na tinwag niya akong "KUYA" kaya di ko na naramdaman ang sakit ng sugat na iginawad niya sa akin


"Finish him....." ang muli niyang sabi sabay labas ng kwarto

Di ko alam kung anu ang magiging reaction ko sa mga oras na iyon gulong gulo ako at unti unti ko nang nararamdaman ang hapdi at sakit nang sugat sa tagiliran ko na binigay sa akin ni Rina.

Marahang siyang nag lakad palayo at saka may kinuha sa loob ng drawer sa mesa, ilang saglit pa ay doon ko na naaninag ang kanyang kinuha. Isang baril sabay kasa nito sa harapan ko mismo.

"Siguro naman its still proper na makilala mo ako, by the way school mate tayo. I was the ever loyal lover ni Rina although she didn't even bother na suklian ang nararamdamam ko dahil sa Dj na yan kaya eto ang gagawin ko.... Kukunin ko si Dj sa labas at dito mismo sa harapan mo pasasabugin ko ang ulo ng hayop na yan dahil sa kanya ay hindi ako kailan man nakita ni Rina.... pero bago ang lahat..." ang sabi niya sa akin at saka itinutok ang baril sa direksyon ko tapos

BANG!!!!!

Dinaplisan ng bala ang aking balikat, gusto ko na talagang sumigaw sa mga oras na iyon pero hindi ko ginawa dahil ayaw kong makita nila ang paghihirap ko. Gusto ko ipakita sa kanila na hindi ako natatakot.

Iisa lang ang taong kilala ko noon na laging nakabuntot kay Rina at 'yon ay si Byron pero ang laki ng pinagbago ng kanyang hitsura na halos di ko na makilala. Hinang hina na rin ako dahil sa pagod at sakit ng katawan at sa mga oras na ito ay unti unti ko nang nararamdaman ang aking mga paa.

Ilang saglit lang ay lumabas na siya ng kwarto at sa pagkakataong iyon ay muling bumlik si Rina at saka lumapit sa akin.

"Rina please, pakawalan mo na ako, di ko alam kung anu ang pinag sasabi mo kaya please. Hindi naman kita ginambala ah kaya bakit mo ba ito ginagawa sa akin?" ang tanong ko sa kanya

"Oh don't tell me na di mo alam na ang mommy ko at ang mommy mo ay iisa lang... hmmmmm.... pwede nga after all eh halata namang walang balak ang mga bakla mong ama na aminin sayo kung sino ang tunay mong ina. Pero let's just put it this was brother dear... Hindi kita matatangap na kapatid dahil isa kang salot at tinik sa lalamunan ko!!" ang tugon niya sa akin

"Rina please, alam mo ba talaga ang balak ni Byron?" ang muli kong tanong sa kanya

"Oh I don't care as long as mawala ka buhay namin ni Dj... I don't care at all" ang sabi niya

"Rina..... kung alam mo lang ang sinabi niya sa akin ngayon lang..... balak niyang patayin si Dj.... kaya please kung talagang mahal mo si Dj tulungan mo siya...." ang muli kong saad sa kanya

Pero sa halip na paniwalaan niya ako ay tanging mag-asawang sampal ang inabot ko sa kanya... "At panu ko nasisiguro na hindi mo ako nililinlang para mapasayo si Dj?" ang bulyaw niya

Sa aktong iyon ng aming pag uusap ay muling pumasok si Byron bitbit ang walang malay na si Dj...

"Byron anong ginagwa mo?" ang tanong ni Rina

"Like you said, eliminating the threat.... after this... ay sigurado akong mapapasaakin ka na...hehehehehe" ang sagot niya dito.

Rina Merioles

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig kong sagot mula sa kanya, ibig sabihin ay totoo ang sinasabi ni Felix na balak patayin ni Byron si Dj.

"Wala yan sa usapan natin!!!! ang sabi ko si Felix lang ang dapat na mawala!!!" ang sigaw ko sa kanya

"At pano ako!? sa tingin mo ba hahayaan ko na lang na maging masaya ka sa piling ng baklang to!" ang sigaw niya sabay tutok ng baril sa ulo ni Dj

Agad akong tumakbo palapit sa kanila para agawin ang baril pero sa aking pag lapit ay hinampas niya lang ako sa mukha dahilan para matumba ako...

"Kahit kailan Rina hindi mo talaga ako nakita dahil sa lintik na Dj na to kaya eto ang gagawin ko para tuluyan kang mapasaakin!" ang muli niyang Bulyaw sa akin

"Byron sige na! sayo na ako... pero huwag mong idadamay si Dj!!" ang mulil kong pakiusap sa kanya

Para akong tanga na naging sunodsunuran sa kanya. Hindi ko man lang nakita ang totoo niyang balak.

Ibinagsak niya ang katawan ni Dj at saka aktong lalapit sa akin. Pasimple kong inabot ang maliit na kutsilyo ko at sa akinyang pag lapit ay niyakap ko siya, hinalikan sabay tarak ng kutsinyo sa kanyang likod.

"Arg!!! P**a" ang sigaw niya

Agad niyang binunot ang kutsilong nakabaon sa may likoran niya at saka hinagis niya ito palayo

"Walang hiya ka!!! kung alam ko lang na tatraydorin mo rin ako dapat pinatay na rin kita! kung hindi karin naman pala mapapasaakin ay mas gugustuhin ko pang walang ibang makakakuha sayo!!" 

Takot ang agad na dumaloy sa buong katawan ko nang nakita kong itinutok niya ang baril sa akin, pero desidido ako na manlaban kaya sinikap kong agawin ang baril niya.

Dj Fernandez

Muli akong nagkaroon ng malay sa loob ng kwarto, nakatali ang aking mga kamay, unti-unting nag adjust ang aking mga mata at doon ko nakita na pilit inaagaw ni Rina ang baril kay Byron.

Napaputok nila ito pataas ng tatolong beses, di ko akalaaing kaya ni Rina ang manlaban kay Byron doon ko din naaninag ang isang maliit na kutsilyo sa aking harapan.

Agad ko iton inabot at saka pilit na ginamit para makawala ako.

Muling itinulak ni Byron si Rina at sa akotng iyon ay malaya na ang aking mga kamay. Aaminin ko gusto ko rin namang parusahan si Rina dahil sa kanyang mga ginawa pero inaalala ko rin naman ang kambal. Speaking of sino kaya ang nag aalaga ngayon sa kamabal?

Sa di kalayuan ay nakita ko si Felix na naka tali ang mga kamay at naka bitin may dugo sa kanayng mukha, sa tagiliran at sa balikat niya. Wala siyang malay at kahit na malalakas ang putok ng baril ay hindi parin siya nagkaroon ng malay. "Felix....." ang sabi ko "Hindi kaya..... No...... he's not dead...." ang muli kong sabi ko sa sarili ko.

Sa aking muling pag lingon ay doon ko na muling nakita si Rina na naka dapa sa sahig at si Byron ay patuloy parin hawak baril.

"Mahal na mahal kita Rina pero kung ganito lang din ay mas gugustuhin ko pang magsama tayo sa impyerno!!!" ang giit ni byron abang nakatutok ang baril kay Rina

Agad kong tinakbo ang direksyon nila at saka sunod-sunod kong tinadtad ng saksak ang likod ni Byron

"Go to Hell!!!" ang giit ko

Agad din akon tumakbo papunta kay Felix para pakawalan siya. "Felix please don't die.... please...." ang sabi ko habang kinakalagan siya

Nang tuluyan ko nang maalis ang kanyang mga tali ay dahan dahan ko siyang ibinaba sa sahig at saka pilit na na ginigising. Si Rina naman ay tila natauhan na at saka lumapit sa amin

"I should have known....." ang sabi niya nang biglang.......

BANG!!!!!

"Rina!!!" ang sigaw ko

Panandalian kong binitawan si Felix at saka tinakbo ko ang direksyon ni Byron. Kahit na duguan na siya ay nagawa pa niyang tumawa.

"Ha**p ka!!!" ang sigaw ko sabay sipa sa kanyang kamay para mabitawan ang hawak na baril. Agad ko din naman siyang pinaulanan ng suntok sa ibat ibang parte ng kanyang mukha. Labis na galit at puot ang nararamdaman ko sa ngayon.

Galit ako dahil sa dinamay niya si Felix, Galit din ako dahil sa pagkakabaril kay Rina. Kahit papanu ay minahal ko din si Rina at isa pa may mga anak ito iniisip ko din ang kapakanan ng dalawang bata.

Matapos ang ilang sandali ay iniwan ko na lang na duguan si Byron sa sahig at walang malay si Rina nama'y pilit na tumatayo. Hawak niya ang kanyang tyan dahil sa tama ng baril.

Agad akong lumapit sa kanya at doon ko nakita na tumagos pala ang bala mula sa kanyang likod paharap. Malubha ang tama niya at kailangan ko nang tumawag ng ambulansya kung gusto ko pang mailigtas siya.

Rina Merioles

Sa mga oras na ito napag tanto ko ang mga mali kong ginawa, tama nga siguro sila nasa huli ang pag-sisisi.

Di ko maipaliwanag kung anu ang aking nararamdaman, takot akong mamatay, gusto ko pang makitang lumaki ang kambal at gusto ko kahit alam kong malabo na ay kahit papanu gusto kong makilala nang husto ang kapatid ko.

Unti unti nang nandidilim ang aking paningin, inipon ko ang huling lakas ko at sinabi ang "Dj..... Patawad......"

Itutuloy......

No comments:

Post a Comment