This is it guys sorry kung mejo nadelay ang posting nito na dapat ay last week pa but as promised here it is... hope magusuthan ninyo
Let us review the Cast
August as Felix
March as Dj
Supassra as Rina
Mario as KM
Tanner as Lance
Tiffaby as Sarrah
and now this chapter let me introduce the last three characters
Unknown Model (I came across him sa internet and sadly i dont know his name) as Elixir John Del Rosario-Del Castillo
Megan Nicole as Jestine Joan Del Rosario-Del Castillo
Jin Akanishi as Kejima Sasagawa
Note: If you have any other recomendation para sa face ni Ej it is very welcome since mas maigi kung merong tayong ipapakilala but if you are satisfied with it its also ok with me.
Like always please do leave your comment
Felix Lim
Di ko mapigilang maiyak sa nakita kong pumasok.
"beb....." ang sambit ko
Gusto ko siyang yakapin sa mga oras na iyon pero tila ninakawan ako ng lakas dahil kahit na ang pinaka simpleng iaangat ang aking mga kamay ay di ko magawa
"Shhh... beb, it ok I'm here" ang pag alo niya sa akin
"beb why did you do it?" ang balik kong tanong sa kanya
Umiling na lang siya at hindi ko sinagot, kahit na alam kong malaki ang kasalanan niya ay wala akong paki alam. Handa akong kalimutan iyon dahil mahal ko siya.
"Beb... do you love me?" ang tanong niya
"Yes... I do...."
"Do you trust me?"
"Yes!"
"Now, I want you to stand up and come with me. Run away with me.."
"But beb.... di ko pa kaya..."
"That's non sense, Felix kung mahal mo ako tatayo ka diyan at sasama ka sa akin ngayon din!" ang sabi niyang may madiin na boses
In all the time ng relasyon namin ay hindi ko alam na ganito siya magalit. Dahil na rin sa kagustuhan ko ay pinilit ko kahit na man lang ang umupo sa aking kama.
"Oh come on Felix you can do better than that..."
"Beb please intindihin mo naman, kakagising ko lang so please..."
"Ok here's what we're gonna do" sabay bunot ng isang syringe tapos itinurok niya ito sa akin sabay sabi ng "I want you to count starting from 5 to 1"
"5......4.........3........2.........1........" hanggang sa muling pumikit ang aking mga mata
Anton Lim
"Please sana gumising na ang anak ko....." ang sabi ko sa sarili ko
Papasok ako ng kwarto niya nang may nakita akong isng lalaking nurse na naglalakad palayo habang sumisipol at may tinutulak na wheel chair. Hindi ko na alng ito pinansin at agad akong pumasok sa kwarto ni Felix at doon ko ako nabigla sa aking natuklasan.
"Felix!!!!" ang sigaw ko
Agad akong tumakbo palabas ng kanyang kwarto at doon ko nakita ang papalapit pa lang na sila Serina at Aelvin. Sila Joana naman ay biglang lumbas ng kwarto ni Ej dahil sa aking pag sigaw
"Anton bakit anung nangyari?" ang takang tanong ni Joana
"Jo... si Fe....lix....." ang sagot ko at bakas sa aking boses ang pag pag panic "Nawawala siya..." sabay squat at sabunot sa sarili ko. Pinipilit kong isipin kung gaano ako katagal nawala
Aelvin Cruz-Lim
"Bha....what do you mean, nawawala? panung mawawala si Felix eh diba nga comatose pa naman siya..." ang takang tanong ko
"I don't know! before I left a few minutes ago he was still there.... tapos ngayon.... wala....." ang tulirong sagot niya sa akin
"Hindi kaya nagising na siya?" ang tanong ko sabay lingon kay Serina
"If nagising na nga siya, that would be impossible for him to walk out fast, remember he has been in coma for almost 3 months... pero if he did manage to get out, I doubt na makakalayo siya. unless......"
"Unless what?.... tell me!!!!" ang bulyaw ni Anton kay Serina
"hey, calm down Anton" ang pigil ni Jefferey
"No! panu ako mag calm down kung hindi ko alam kung asan ang anak ko!" ang gigil niyang sagot
"Now tell me.....unless what!!" ang muling sigaw ni Anton
All our years na magkasama since college eh ngayon ko lang siya nakitang ganyang kagalit. Bakas talaga sa mukha niya na he is starting to loose it dahil sa biglaang pagka wala ni Felix. Kahit sino naman siguro mawawala sa kanyang sarili pag nasa ganitong sitwasyon.
Muli niyang nilapitan si Serina pero agad siyang naagapan ng mga nurse at staff. May itinusok sa kanya at unti unti na siyang nawalan ng lakas hanggang sa nawalan ng malay.
Agad kaming kumilos para hanapin si Felix si Serina naman ay agad na pina check ang surveillance camera para makita namin kung anu ang mga huling pangyayari sa loob ng kwarto ni Felix
Ilang minuto na nag play ang video nang napansin namin ang isang lalaki na naka damit ng nurse uniform ang pumasok sa kwarto ni Felix pero nang pina check namin ay hindi daw nila kilala ang nurse na iyon.
Nang pina play naman namin ang kuha sa loob ng kwarto ni Felix ay doon na namin nakita ang lahat.
Gising na si Felix at tila kausap niya ang lalaking pumasok na nag panggap na nurse. May pinapa gawa siya kay Felix na halata naman na pinipilit lang niya ito.
Ilang sandali pa at lumapit ang lalaki sabay may itinurok kay Felix at doon ay muling nanghina at pagkatapos ay agad niya itong binuhat at saka pinaupo sa wheel chair, pagkatapos nun ay ang sumunod na ay ang pagkaka tuklas ni Anton.
Kakaibang takot ang agad na bumalot sa akin, di ko maisip kung bakit may taong gagawa nang ganoon sa amin. Wala naman kaming ibang kilalang pwedeng kaaway para gawan kami ng ganito.
Si Anton ngayon ang nakaratay sa kama walang malay dahil sa pamatulog na itinurok sa kanya, ako naman ay hindi mapakali balik ballik ang ang pag lalakad ko nag iisp kung anu ang pawedeng maging motibo ng taong iyon.
"Aelvin.... calm down.... pina alam na naman natin sa mga pulis ang lahat ng nangyari, I'm sure magiging maayos din ang lahat..." ang sabi sa akin ni Serina
"No.... masama ang kutob ko, think about this it has been almost one week nang hindi nag papakita si Dj dito then ganito na. I know na may gusto parin si Dj sa anak namin pero to think na aabot sa ganito na ipapadukot niya si Felix di ko kayang maisip ang ganun." ang mahaba kong sagot sa kanya
"How can you be so sure na si Dj ang may pakana ng pag dukot kay Felix, think about this... sa simula yes pinipigilan ninyo siya dahil sabi niyo nga this is not the first time na may masamang nagyari sa kanya na involve ang batang iyon, but then ilang weeks din naman siya pabalik balik dito diba and hindi nanaman kayo nag oppose kaya why would he do this..." ang pag point in ni Serina.
Nasa ganoon kaming discussion nang marinig namin si Anton "Bha.... si Felix asan na siya?"
Agad kaming lumingon ni Serina hindi namin alam kung papanu sasabihin sa kanya ang amin natuklasan.
"Bha..... kasi......" ang pag aalangan ko sabay lingon kay Serina
"Anton, please don't be shocked.....pero kasi...... na kidnap si Felix......." ang sabi ni Serina
"What!?" ang gulat na sagot niya pero bakas parin sa kanya ang panghihina
"Sino naman ang gagawa nito sa atin?" habang pinipilit na tumayo.
"That part is still a big mystery sa atin, bha diba wala nanaman tayong kaaway... may alam ka bang ibang taong pwedeng gumawa nito sa atin...." ang tanong ko sa kaya
"No...wala..... unless....." natigilan siya tapos agad na lumingon sa amin
"Unless what Anton.... I may not look like it pero concerned din ako kay Felix. Remember he still my son" sabi ni Serina
"Unless ikaw! sinadya mong ilayo sa akin ang anak ko!" agad na nakatayo si Anton sa kama at agad na sinugod si Serina
"Why would you think na gagawin ko iyon?"
"I don't know.... Serina noon pa ayaw mo nang makasama ko ang anak ko! una inilihim mo siya sa akin tapos iniwan mo sa ampunan leaving us to look everywhere tapos ngayon ito! amin mo na Serina.... hanggang ngayon galit ka, dahil si Aelvin ang minahal ko at hindi ikaw! gusto mong masaktan ako! gusto mong iparamdam sa akin kung panu ang mawalan, dahil hanggang ngayon hindi ka parin maka get over na BAKLA ako! at kahit kailan hindi na kita mamahalin!" ang sigaw ni Anton habang dinuduro niya si Serina na ngayon ay mangiyak iyak na
"NO! ever since that day! pinag sisihan ko ang ginawa kong iyon.... kaya nga kahit papanu ay sinuportahan ko siya for how many years hanggang sa...... NO! di ko sinasadyang kalimutan siya..... NO!" ang iyak ni Serina sabay takbo palabas ng kwarto
Yakap ko ngayon si Anton at pilit na pinapakalma, di ko alam na aabot sa ganito ang lahat. maganda naman ang naging pagkikita nila nitong mga nakaraang linggo pero hindi ko alam na ganito pala.
Hindi ko alam na ako pala ang dahilan kung bakit niya hiniwalayan si Serina noon. Kahit na ako ay nabigla sa natukalasan kong iyon pero malaking palaisipan parin sa akin kung bakit ganun ang naging huling reaction ni Serina.
Serina Merioles
Hindi ko magagawa iyon sa anak ko. Oo aaminin ko nagalit ako sa kanya noon dahil ilang taon din kami. Minahal ko siya ibinigay ko sa kanya ang lahat tapos sa bandang huli si Aelvin lang pala ang mas pipiliin niya.
Kahit na ginawa ko na ang lahat para mapasakin siya, I even drugged him and made love to his unconscious body na si Felix ang naging bunga pero....
-----Memory Flash Recall------
"Anton! please!" ang pag mamaka awa ko sa kanya
"No, I'm sorry pero hindi na talaga kita kayang mahalin.... si......si Aelvin ang mahal ko.... sorry Serina......"
Parang gumunaw ang aking mundo dahil sa pag iwan niya sa akin lalo na si Aelvin ang pinili niya.
"Nak, why are you drinking? naku naman tanghaling tapat lasing ka!" ang sermon sa akin ni Mommy
"Leave me alone ma, I'm not in the mood to argue with you...."
"And what! anu gagawin mo sa buhay mo? magpapakalsing ka! Serina kung maka asta ka parang nabuntis ka ng lalaking iyon tapos iniwan para magka ganyan ka! kung ako ikaw let him go! wala namang kwenta ang lalaking iyon kaya ang masasabi ko sa pag iwan niya sa'yo GOOD RIDDANCE!" ang giit ni mommy sabay talikod at nag lakad palayo
Doon ko napag tanto ang sinabi ni mommy, kung malalaman ni Anton na buntis ako at siya ang ama ay sigurado akong di niya ako iiwan at mapipilitan siyan pakasalan ako.
Agad kong kinuha ang phone ko and texted him
S: Anton can we meet for the last time
A: Why?
S: Just for the sake ng pinag samahan natin please, for the last time. Alam kong impossible na ang bumalik ka sa akin pero please last na'to I'll never bother you again after this
A: Ok, just text me when and where
S: How about this Friday, 9PM sa coffee shop malapit sa condo ko
A: Ok 👌🏻👍🏻
Agad kong binuo ang plano ko, bumili din ako ng sleeping pills hinanda ang lahat para sa araw na iyon.
"Hindi ako papayag na maagaw ka sa akin ng iba Anton.... AKIN KA LANG!" ang sambit ko sa sarili ko
------
Saturday morning.....
Pareho kaming walang saplot ni Anton na naka higa sa aking kama niyakap ko siya ang sarap sa pakiramdam na sa wakas ay akin na siyang muli.
"ohhhh.... asan ako?" ang agaran niyang sabi
"Good morning babe...." ang sabi ko habang yakap ko parin siya
Agad siyang napatayo at saka tiningnan ang paligid. "What the! Anung nagnyari?" ang tanong niya sa akin
"Well, it was a great night and then this.... ikaw pa nga ang initiate nang lahat di mo ba naaalala?" ang sabi ko
"NO! imposible ang sinasabi mo! Serina how many time do I have to tell you wala nang tayo!" ang giit niya
"NO? pero ang lakas ng ungol mo kagabi habang ginagawa natin ang lahat ng ito tapos pagkatapos ng lahat...." pero pinutol niya ang sasabihin ko dahil sa sampal
"Binaboy mo ako! Serina you just gave me one last reason para mas lalo kitang kamuhian!" ang sabi niya sabay tayo nag bihis at saka agarang lumabas
Naiwan naman ako umiiyak na ulit sa akin kama, he was the only man na ginawan ko ng ganito. Pero why can't he love me. Anung meron sa Aelvin na yan na wala sa akin at bakit kaya niyang iwanan ako.
Ilang beses ko parin siyang sinubukang kontakin pero hindi na siya sumasagot sa mga text ko, pag tinatawagan ko naman siya ay out of coverage area na. Nag palit na siguro siya ng number.
Lumipas pa ang ilang buwan at doon ko na nakumpirma na buntis nga ako at sigurado akong si Anton ang ama pero dahil sa hindi ko na siya ma-kontak ay pinag pasyahan ko na lang na ipaampon ang bata.
Hindi ko kayang makita ang bata na naging bunga ng pag mamahal ko sa kanya na hindi niya sinuklian.
Makalipas ang ilang buwan ay sinubukan ko ang huling resort ko. Ang padalhan ang address niya ng isang liham na nagsasabi nang lahat at ang paghingi ko ng tawad sa kanya, pero huli na ang lahat dahil sa iniwan ko na lang sa may pintuan ng isang bahay ampunan malapit sa aming lugar ang bata.
----End of Memory Recall----
Di parin mawari sa isipan ko ang lahat ng iyon. Pinag sisihan ko na ang lahat at gusto kong bumawi kaya nga ginawa ko ang lahat para ma save ang buhay ni Felix pero bakit niya naisip ang mga bagay na iyon.
Anton Lim
"Bha...." Ang sabi ko habang umiiyak
"Shhhh..... Don't worry bha..... We will find Felix" ang pag alo niya sa akin
"How?"
"May nakita kasi kami sa CCTV, some one came in minutes before you, isang lalaki na naka nurse uniform." Ang sabi sa akin ni Aelvin
Agad akong napalingon sa kanya "bha yung lalaki ba na sinasabi mo ay may katangkaran, semi kalbo?" ang tanong ko
"Yes bha bakit mo natanong? kilala mo ba ang lalaking iyon?" ang balik niyang tanong sa akin
"No, it's just nakita ko pa siya bago ako pumasok ng kwarto ni Felix. marahan siyang naglalakad lumingon pa nga ito sa akin at saka ngumiti, pero hindi ko na ito pinasin dahil inisip ko na hindi ko nga din naman siya kilala." ang mahaba ko ng sagot sa kanya
"So bha can you please give a statement regarding sa kanyang hitsura para maka pag pagawa tayo ng artist scketch."
"Sure pero aside sa kanayang description na sinabi ko kanina ay hindi ko na talaga matandaan ang kanyang mukha dahil nga hindi ko naman siya tiningnan. I just saw sa gilid ng mata ko so I'm not sure kung makaka bigay ako ng accurate na description." parang muli akong nawalan ng gana dahil sa labo ng pag asang makikita ko pa ang aking anak.
Byron Gonzales
Di ko aakalaing ganun ko kadaling makukuha ang baklang to. Walang resistance, walang hussle, walang delay. everything went as smooth as silk.
Now all I need o do eh ang maipakita ko siya kay Dj at sa harap niya mismo saka ko pahihirapan ang taong iyon. This is going to be one experience na hindi niya makakalimutan.
Felix Lim
Di ko alam kung anu na ang nangyari after ko mawalan ng malay dahil sa itinurok sa akin ni Lance. Pero bakit parang may mali "why would he do that to me at isa pa asan ako." ang sambit ko sa sarili ko.
Nasa isang maliit na kwarto ako ngayon, madilim at di ko alam kung asan na ako. Parang muli akong nabundol ng kung ano dahil sa bigat ng aking pakiramdam.
I tried to move pero doon ko palang naalala na hindi ko pa kayang igalaw ang aking katawan from waist down, dahil sa tagal kong naka ratay.
I tried to calm my self I have to at least move para malaman ko kung asan ako. I used every once of my strength to move hanggang sa nahulog ako sa aking kinahihigaan.
BLAGG!!
"Ahhhh!! Sh*t!!.... Tulong!!!!" ang sigaw ko pero tila wala atang nakakarinig sa akin
Ilang beses ako sumigaw pero talgang walang nakakarinig sa akin. Di ko alam kung asan ako at kung gaano ako katagal nawalan ng malay.
Maraming bagay ang bumabagabag sa isip ko, ang daming nagnyari simula ng umuwi ako. Ang ginusto ko lang naman ay ang makapag bakasyon kasama ang mahal ko pero sa dami ng nagyari di na ata kaya ng utak ko ang i-process ang lahat ng ito.
Unti unti bumabagsak ang talukap ng aking mga mata, kay bigat na ng mga ito kailangan ko nang matulog. Sana pag gising ko ay bumalik na ang lahat sa dati, sana ay panaginip lang ang lahat ng ito.
Dj Fernandez
Di mawari sa isipan ko ang naririnig kong boses sa katabing kwarto, pamilyar ito sa akin parang boses ni Felix pero siguro dahil sa tagal ko na sa kwartong ito na ako lang mag isa ay pinag lalaruan na ako ng aking imahinasyon.
"God I miss him, I would do everything and give everything just to see him" ang sambit ko
Ilang sandali lang ay biglang may nagsalita.
"Talaga lang ha? handa kang gawin at ibgigay ang lahat para lang makita ang bastardong iyon...." ang sabi niya
"P***ng *na mo Rina! pakawalan mo ako dito!!" ang bulyaw ko
"Try as you must my dear, pero this could be your lucky day.... you never know baka nasa tabi mo na lang pala ang hinahanap mo.. hahahahahahah" sabay lakad palayo
Kakaibang galit ang naramdaman ko para sa kanya, talagang ibang iba na siya. Gusto kong mag wala pero alam kong balewala ang lahat ng ito dahil di ko kayang sirain ang rehas na ito.
Muli akog napaisip sa sinabi ni Rina. "You never know baka nasa tabi mo na lang pala ang hinahanap mo.."
"You never know baka nasa tabi mo na lang pala ang hinahanap mo.."
"You never know baka nasa tabi mo na lang pala ang hinahanap mo.."
"You never know baka nasa tabi mo na lang pala ang hinahanap mo.."
Paulit ulit na nag play back sa isip ko ang katagang iyon hanggang sa....
"Felix!!!! ikaw ba yan!!! please Lix answer me!!" ang sigaw ko
Felix Lim
Parang isang masarap na musika ang aking narinig... isang masarap na panaginip ang ayaw ko nang gisingan pa, dito ay masaya kami ni Lance na namumuhay sa California kasama ang anak namin na pinangalan naming Lance Alexander Mendoza-Lim.
Masarap ang buhay at tila di namin nararamdaman ang hirap hanggang sa buglang tumigil ang oras sa paligid ko. Tila may pumindot ng pause button at isang pelikula lang ang lahat.
Sigaw ako ng sigaw "Beb!!! Xander anak!!! please!!!!" unti unti silang naglaho na parang isang basang pintura na naulanan.
Humahagulgol ako at walang tigil sa pag iyak hanggang sa may narnig ako
"Felix!!!! ikaw ba yan!!! please Lix answer me!!"
Boses ni Dj iyon at hinding hindi ako maaring magkamali. iyon ang boses na pilit kong kinakalimutan dahil sa hanggang ngayon ay aaminin ko mahal na mahal ko parin ang taong nag mamay-ari ng boses na iyon
Agad akong nagising dahil sa sigaw na iyon at saka muling sumigaw!!
"Tulong!!! please!!!" hindi ko parin maigalaw ang aking mga paa kahit na anung pilit ko ay talagang ayaw nitong gumalaw
"Felix!!!" ang muling sigaw ngayon ay tiyak kong hindi na ito panaginip
"Dre!!! ikaw ba yan? please tulungan mo ako...." ang sagot ko
Nasa ganoon akong sitwasyon nagn biglng may isang lalaki na pumasok sa silid na kinalalagyan ko at saka ako binuhat at itinayo...
Dj Fernandez
Muli kong naaninag si Byron na pumasok sa katabing kwarto at sa kanyang pag labas ay akay aky niya si Felix
"Byron!! pakawalan mo si Felix!! ako ang kailangan niyo diba!! pakawalan niyo siya!!" ang sigaw ko pero tanging isang mahinang tawa lang kanyang isinagot sa akin
Patuloy siyang naglakad palayo akay akay si Felix na ngayon ay naka lingon na sa akin. "Dre!!! asan ako!!" ang sigaw nito pero di ko nanagawng sumagot pa dahil aad din naman isinara ni Byron ang pinto ng kwartong pinagdahalhan niya kay Felix.
Anton Lim
It has been hours since dinukot sa loob ng hopital sa Felix pero hanggang ngayon ay wala parin kaming lead kung sino man ang taong kumuha sa kanya
Gusto ko nang mamatay sa mga pagkakataong iyon hanggang sa tumunog ang cellphone ni Felix
"Nasa akin ang hinahanap ninyo, at hinding hindi niyo siya mailalayo pa sa akin dahil akin lang siya... Pero kung gusto niyo pang makita siya ay makakapayag ako sa halagang $50million. Dalhin ninyo ang pera sa isang lote malapit sa hospital bukas ng hating gabi at saka isilid niyo ito sa isang garbage bin doon. Iyan ay kung gusto niyo pa siyang makita"
~DJF
Nanlaki ang aking mata dahil sa nabasa ko, anung iniisip niya milyonaryo kami porket nasa California kami naninirahan. Saan kami kukuha ng ganon kalaking halaga.
Agad akong tumakbo sa kwarto nila Joana para sabihin ang balita, at sa mga oras na iyon ay pinipilit kong tawagan ang numerong nag text sa akin pero cannot be reached na ito.
Yung initials niya sa huli ay kumpirmadong si Dj nga ang nagpadukot kay Felix pero bakit niya ito magagawa akala ko ba mahal niya ang anak ko.
Di parin kami mapakali kahit na si Ej ay tila nababahala narin. Alam ko ang sitwasyon ngayon ni Ej pero bakas sa mukha niya ang pag aalala para kay Felix kahit na maging ito ay di niya rin maalala.
"Tito please...calm down..." ang sambit ni Ej
Ayaw ko siyang bulyawan kaya tumingin na lang ako kay Joana at saka umiyak, maging si Jeffrey ay pinilit narin akong pakalmahin at sinabing susubukanniyang tawagan sila Jam sa London baka may maitulong sila. Pero hindi ako umaasa dahil sa may pinagdaraanan din ang pamilya nila ngayon.
Itutuloy.......

No comments:
Post a Comment