This is it... Chapter 28 it is almost the end... There will only be 4 chapters left and thank you for reading...
Hope you do enjoy...
Felix Lim
~3 days later
Nagsising ako sa isang puting kwarto. Sogurado ako nasa Hospital na ulit ako. Pinilit kong bumangon pero ay isang tao ang pumigil sa akin
"Gising ka na.... huwag ka masyadong gagalaw baka bumuka ang tahi mo sa balikat at tyan." ang may pag aalalang sambit niya.
Dahan dahan kong nilingon kung sino ang tao na nasa tabi ko. Di ko alam kung anu ang magiging reaction ko nung nakita ko si Dj may benda din sa ulo at may mga pasa sa mukha na tila ginawang punching bag.
"Nasan ako???" ang tanong ko sa kanya
"Shhhh.... you're safe..... and I'm sorry dahil nadamay ka nanaman sa gulo ng buhay ko" ang sagot niya
"Sila papa andito ba sila?" ang muli kong tanong
"Yes they're here.... may binili lang sila" ang muli niyang sagot
Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko ang pag bukas ng pinto. Ramdam ko ang agarang pag lapit sa akin ni papa. Niyakap niya ako ng mahigpit. Umiiyak siya at tila ayaw na niyang pakawalan pa ako.
"Thank god you're awake..... promise anak di na 'to mauulit pa..." ang sabi niya sa akin
"Pa..... kelan pa kayo dito sa Pilipinas?" ang marahan kong tanong
"Nak.... we've been here for almost half a year.... it's been 4 months and 2 weeks na since kami dumating dito." si Prof. Cruz ang nagsalita. Ewan hanggan ngayon parang di ko parin talaga siya matawag na papa.
"Pa....si.....Lance? asan siya?" ang muli kong tanong
Agad na bumitaw si papa sa kanyang pagkakayakap sa akin at tiningnan si Dj pati na rin si Prof. Cruz. Sa kanyang muling pag lingon ay naaninag ko sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan.
"No....pa....please.....don't......Nakita ko pa lang siya........" ang sabi ko habang nag uumpisa nang tumulo ang aking luha
Naramdamn ko na lang ang pag hawak ni Dj sa aking kamay at saka may inabot ito sa akin.
"Lix..... this is part of him....." ang sabi niya
Isang maliit na vial na may lamang abo. Di ko alam kung anu ang gagawin ko kung iiyak ako, kung sisigaw ba ako o ano. Labis na kalungkutan ang biglang bumalot sa aking puso. Tila may isang parte na nito ang habang buhay nang may puwang na kahit kailan ay hindi na mapupunuan.
Sa sobrang kalungkutang aking naramdaman ay tila muli akong nagnhina at unti unting nandilim ang aking paningin.
Dj Fernandez
~day of the rescue
Hawak ko ngayon ang naghihingalong si Rina at pilit na pinapatigil ang pag durugo ng kanyang sugat.
"Rina!!! don't you dare die!!! lumaban ka para sa mga anak mo!!! Rina!!!!I
Di ko alam kung papanu ako tatawag ng tulong at di ko din naman alam kung asan kami kaya alam kong malabo na ang tiyansang malalagpasan niya ito.
Ilang saglit lang ay may narinig akong nag ring, ang cellphone ko....
Agad ko itong hinanap at saka tiningna kung sino ang tumatawag. Isang unkwon number kaya minabuti ko na lang itong sagutin.
"Hello......" ang bungad ko
Kabilang linya........
"Po?" ang pag tataka ko sa kanyang sinabi
Agad kong pinindot ang loud speaker para kahit kausap ko ang nasa kabilang linya ay maasikaso ko parin sila Felix at Rina.
"Ano pa ba ang kailangan mo sa amin? Dj di namin kaya ang hinihingi mong pera.... ako na mismo ang nag mamakaawa sayo pakawalan mo na ang anak ko...." ang sambit ni tito Anton
"Tito, di ko po alam ang pinag sasabi ninyo.... pero kung anu man po yun pwede po bang paki trace na lang ng tawag na ito at di ko alam kung saan kami dinala... kasama ko po ngayon si Felix, Wala po siyang malaay ngayon dahil sa...... dahil sa ginawa sa kanya ni Rina at Byron" ang sambit ko.
"Anung ibig mong sabihin DJ? ibig sabihin pati ikaw ay biktima din? eh bakit yung text mo....." pero agad ko siyang pinutol
"Tito kahit ilang beses mo pong ipag pilitan yan ay ganun at ganun ang sagot ko! wala akong alam diyan.... pero sa ngayon ay importante si Felix kaya po please pa trace na po ng tawag na ito!" ang giit ko para hindi na tumagal pa ang usapan
Alam ko buhay pa si Rina, bakas sa mukha niya ang pagka wala ng kulay dahil sa dami na rin ng dugo ang nawala sa kanya, si Byron naman ay maaninag mo ang marahang pag hinga na indikasyon an buhay parin siya.
May kung anung nag udyok sa akin na tapusin na an lahat pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko pag dusahan niya ang ginawa niya sa amin ni Felix.
Makalipas ang ilang saglit ay may narinig na ako na mga alingangaw ng sirena sa labas. Di ako umalis sa tabi ni Felix habang nag hihintay ako wala parin siyang malay.
Sabay sabay kaming lahat na dinala sa Ospital. Akala ko ay talagang napaka layo namin yun pala ay nasa isang kanto lang kami malapit sa Ospital na kung saan ay naka confine dati si Felix nung naaksidente sila sa boracay.
Tanging isang malawak na bakanteng lote ang maaninag sa labas pag baba ko sa abulansya. Pare parehong ni rush sa OR silang tatlo lalo na si Rina dahil sa tama ng bala na tumagos sa tiyan niya.
Ako naman ay sa ER nila dila dahil din sa sugat na tinamo ko sa ulo pati na rin sa mga pasa ko. Habang nasa loob ako ay di parin maalis sa isipan ko kung baka sakaling di na gumising pa si Felix at kung anu ang gagawin ko pag nawala siya.
Mahal na mahal ko talaga siya at tiyak akong ikakamatay ko pag nangyari iyon. Minsan na siyang nawala sa piling ko kaya di k na hahayaang muling mangyari iyon. Kahit na anung mangyari ay ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya lalo na ngayon na tapos nanamn ako sa pag aaral kaya kung bumalik man sila ng California ay pwede na akong sumama sa kanya.
Agad din naman akong naging out patient dahil sa nakita nilang hindi naman ganun kalala ang mga natamo ko. Ilang oras pa ang hihintayin para malaman kung anu na ang status ni Felix.
Agad akong pumunta sa wating area kung asan sila Tito Anton at Prof. Cruz. Maaninag mo sa kanila ang labis na pag alala.
Aktong lalapit na ako nang makita ako ni Prof. Cruz at saka ginalaw niya na lang ang kanyang ulo indicating na huwag muna akng lumapit. Labis na pag tataka ang aking naramdaman sa mga oras na iyon bakit ganun ang ginawa niya.
Siguro ay nabasa ni Prof. Cruz ang expression ng mukha ko kaya marahan siyang lumapit sa akin.
"Dj alam ko kung gaano kaimportante sayo si Felix pero sana hayaan mo muna kami ng papa niya.... Gulong gulo parin ang isipan ni Anton hanggang ngayon at ikaw ang isa sa mga sinisisi niya kung bakit nagkaganito ang si Felix" ang mahaba niyang sabi sa akin
"Pero Prof. Cruz..... maniwala po kayo hindi ako ang may pakana ng lahat...." ang giit ko
"First of all don't call me Prof. Cruz dahil wala na ako sa University and second Lim na ang apelyido ko dahil kasal na kami ni Anton and last you can call me tito Aelvin... Alam kong wala kang kasalanan kaya nga ako nakikiusap sa ngayon. Bibigay din yang si Anton at maliliwanagan din yan bukas o sa makalawa. Kaya ikaw mag pahinga ka na muna you'll need it." ang sabi niya sa akin sabay ngiti. Kahit papanu ay parang gumaan ang pakiramdam ko dahil naniniwala sa akin si Prof. Cruz este si tito Aelvin.
Anton Lim
~7.5 hours after the rescue
Di parin ako mapakali sa aking upuan at maiging naghihintay sa update ng doctor sa kalagayan ng anak ko.
Narinig ko ang unang beses na paliwanag sa akin ni Dj pero tila ayaw tangapin ng utak ko ang kanyang side dahil sa fixed ito na siya ang may pakana ng lahat ng ito at hindi ito mararanasan ng anak ko kung hindi dahil sa kanya. Pero kahit papanu ay may isang parte ng isipan ko ang nagsasabi din naman sakin na kung di rin naman dahil sa kanya ay di ko mahahanap si Felix.
Marahang hinaplos ni Aelvin ang likod ko, lagi na niya itong ginagawa pag nakikita niyang malalim ang iniisip ko simula nung bumalik kami dito mahigit 4 nika buwan na rin. Marahan ko siyang nilingon, puno ng pang unawa at pagmamahal ang kanyang mga mata. Siguro kung di dahil sa kanya ay matagal na rin akong nag give up sa buhay na ito.
~9 hours after the rescue
Lumabas na rin sa wakas ang doctor mula sa operating room.
"Sino ang kamag anak ni Byron Gonzales?" Ang tanong niya pero walang nag salita sa amin dahil sa wala naman talaga dito kung sino man ang kamag anak ng hayop na yan.
"Dok how about my son... Felix Lim... Kumusta ang kalagayan niya?" Ang agad kong tanong
"He's fine, the wound on his side has been sewn shut and the one on his shoulder is just a bullet scratch...but according to his medical records eh we still need to observe him since na he is still recovering from the last trauma before all of this.." Ang mahabang sabi ng doctor.
Oddly enough eh hindi na pala si Serina ang attending physician ni Felix last I heard eh she requested to another doctor na itransfer ang data nila Felix from her. Way too many patients na daw ang nasa kanya kaya she needs to lessen the load.
Yung anak naman niya na involved din sa pagka kidnap kay Felix ay sinasabing nasa critical condition dahil sa massive blood loss and internal organ damage. Tumagos kasi ang bala mula sa kanyang likod paharap.
-------
Right after the operation eh we are all inside the Private Room kung saan si Felix. May Police protection narin sa labas incase of something like the last time ever happens again.
Ang amo ng kanyang pagtulog parang walang nagyaring masama. Gusto ko nang makitang gumising siya gusto ko nang makausap ulit ang anak ko.
Nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako dito at nakita ko si Dj tila bumigat ng dugo ko ayaw kong lumapit siya kay Felix pero sabi ni Aelvin eh mabait naman talagang tao si Dj at mahal na mahal talaga nito si Felix.
Ayaw ko mang payagan ay wala akong magawa dahil kita ko sa mga mata nito ang pag mamaka-awa na payagan ko siyang lapitan si Felix. Kita ko ang pagka sinsero nito at maging ang asawa kong si Aelvin ay nakikiusap na din na hayaan ko siya.
Naging ganun ang set up araw araw nang nandun si Dj sa kwarto ni Felix tila ayaw nang bumalik sa kanyang sariling kwarto para makapag pahinga ito. Kahit ang mga nurse eh hindi siya mapabalik dun kaya pati ang daily check ups niya ay dun nadin gingagawa sa kwarto ni Felix.
~3 days after the rescue
Saglit lang akong lumabas ng kwarto para bumili ang pagkain namin... Discharged narin naman si Dj kaya andun na siya namalagi sa kwarto ni Felix. Di parin siya umaalis at umuuwi, dinadalhan na lang namin siya ng mga damit para pamalit niya.
Malaipas ang ilang minuto ay nakabalik na ako sa hopital at sa aking pag pasok ay halos mabitawan ko ang hawak kong pagkain dahil sa sobrang tuwa.
Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahipit "Thank go you're awake..... promise anak di na 'to mauulit pa..." ang sabi sambit ko habang yakap yakap siya.
"Pa..... kelan pa kayo dito sa Pilipinas?" ang marahan niyang tanong sakin tanong
"Nak.... we've been here for almost half a year.... it's been 4 months and 2 weeks na since kami dumating dito." Si Aelvin ang sumagot sa kanya na nasa likod ko lang.
"Pa....si.....Lance? asan siya?" ang muli niyang tanong sakin
Agad akong bumitaw sa pagkakayakap marahan kong inangat ang aking ulo para tingnan si Dj at si Aelvin, di ko kasialam kung papanu ko sasabihin sa kanya ang pag panaw ni Lance 4 months ago. Di ko maiwasang tingnan siya habang pinipilit kong pigilan ang sarili kong luha. Aminado naman ako napamahal na sa akin si Lance at gusto ko siya para kay Felix pero di ko parin lubos maiisip na magagawa niya ang ganung bagay.
I'm still on the state of denial pag yun ang pinag uusapan, pero si Sarrah na mismo ang nag confirm samin na mayroon ngang suicidal tendencies si Lance and he is easily broken lalo na pag usaping puso. Inamin din naman ni Dj na nakita niyang lumakad palayo si Lance noong panahong hinalikan niya si Felix kaya napag dugtong dugtong namin na si kagustuhan nga ni Lance ang mamatay kasama ang taong pinakamahalaga sa kanya.
"No....pa....please.....don't......Nakita ko pa lang siya........" Ang pag mamakaawa niya na huwag kong sabihin kung ano ang nasa isip ko. Sa mg oras na iyon ay nagsisimula naring umagos ang kanyang mga luha.
Nakita kong marhang inabot ni Dj ang kamay ni Felix at dito niya inabot ang isang bagay na makakpag patunay na wala na si Lance.
"Lix..... this is part of him....." ang sabi niya
Isang maliit na vial na may lamang abo. Bakas sa mukha ni Felix ang sobrang kalungkutan maging ako na ama niya ay di ko alam kung anu ang pwede kong gawin para kahit papanu ay maibsan ang kanyang nararamdaman.
Hindi ata niya kinaya ang lahat at muling nawalan ng malay si Felix. Agad kaming nag takbuhan para gabayan siya.
"Doc!! Tulong!!" Ang sigaw ko
Agad din namang nag sitakbuhan ang mga nurse para tingnan kung anu ang nangyari.
Makalipas ang ilang saglit ay agad na nagsalita ang doctor. "Mr. Lim I think breaking the news to him was way too fast for him. Dapat sana hinintay ninyong fully recovered na ang anak ninyo bago siyo sinabi ang balitang iyon."
"Doc is my son going to be ok?" Ang tanong ko
"Yes, he is fine... Na shock lang siguro siya kaya siya nawalan ng malay... I am just going to give him some medicines for his injuries and I'm sure he's going to be fine. But next time hinay hinay sa pag balita sa kanya baka magkaroon ng sakit sa puso ang anak ninyo." Ang bilin niya
Agad din namang lumabas ang doctor at muli naming pinag masdan si Felix. May naka kabit na oxygen sa kanyang ilong, payapang payapa ang kanyang hitsura pero mas gusto kong gising siya kesa ganito ang kanyang kalagayan.
Serina Merioles
Di ako makapaniwalang kayang gawin ng sweet baby girl ko ang mga bagay na iyon sa kanyang kuya.
Di ko naman na kayang harapin pa sila Anton dahil sa mga pangyayari. Kaya ko nga napag pasyahang i-give up ang pagiging attending physician niya kahit na mabigat sa aking kalooban.
Hindi ako kilala ni Felix at alam kong hindi niya ako kailangan, kaya ako na mismo ang lalayo para na rin sa kanyang ikabubuti.
I immediately requested to transfer Rina to another Hospital na alam kong well equipped with her kind of situation.
She is still in coma kaya as a mother and a doctor i have to do everything i can to ensure her survival. I have been working in this Hospital for a long time and I know na walang kakayanan ang ospital na to give better treatment sa kundisyon niya.
Felix Lim
"Beb.... Wake up beb....." Ang naririnig kong boses
Agad akong nagising sa isang kwarto. I do recognize this place, ito ang kwarto ni Lance inikot ko ang aking paningin at sa aking likod nakita ko si Lance.
He is smiling, those perfect smile...
"Beb... Wake up...." Ang sambit niya
"No... can we stay here just a few more minutes please beb...." Ang sagot ko sa kanya
"No... Beb you have to wake up.... Tito Anton and Tito Aelvin are wating for you... So get up...."
"Beb....." Ang sabi ko pero unti unti nang dumidilim ang paligid at kasabay sa pag dilim ay pag laho din ni Lance
"Beb..... Don't go!!!" Ang sigaw ko
"I'm sorry for everything.... Felix.... You have to wake up.... Dj is waiting for you.... Your Family is waiting for you..." Ang naririnig kong boses niya
----
Unti unti kong minulat ang aking mga mata, nasa Ospital parin ako sa aking tabi ay nakita ko si Dj mahibing na natutulog at naka yuko, hawak ang aking kamay. Sa may kabilang dako naman ng kwarto ko ay sila papa at tito aelvin ang ankita ko tulog din.
Marahan kong hinaplos ang buhok ni Dj at doon ay muli siyang nagising...
"You're awake...." Ang sabi niya
Isang ngiti lang ang iginawad ko sa kanya, tila wala akong lakas na mag salita. Everything in him still reminds me of Lance. As much as I love him and want to be with him, ganun din ang pangungulila ko kay Lance. I dont think I can look at him the same way ever again. The gaping hole in my heart is just too much for me to handle.
I need to heal I need some time...
"Nak... Ok ka na ba? May masakit ba?" Ang dinig kong sabi ni papa
Pinilit kong mag salita "No pa... Ok lang...ako....pa.... Can Dj and I have some time....alone....."
"Ok...."
Agad din namang ginising ni papa si tito Aelvin at niyaya itong lumabas na muna. Agad kong nilingon si Dj at saka nag salita
"Dre.... I'm Sorry" Pero agad niyang pinutol ang aking sasabihin
"Shhhh......No..... Lix...... I'm sorry.... Siguro if it, weren't for me.... Di ka maiipit sa gulong ito.... I have made a promise... to him(turo sa taas) na pag niligtas ka niya at nalapasan mo ito.... I will give you space... And time to think and heal...." Ang sabi niya
"Dre.... It is also my fault..... Partially... Ginusto ko rin ang pag halik na yun.... I get it..... I don't know how... Pero I think nalaman ni Lance ang lahat ng iyon kaya niya nagawa iyon.... I do love him.... And I love you too.... Pero as of now.... Di ko alam kung kaya kong muling buksan ang puso ko...."
"Lix.... Remember this?" Inilabas niya ang isang crytalized tulip, ito ang ibinigay ko sa kanya noon bago ako umalis ng Pilipinas..
"This means... That my love for you will always be here (sabay turo sa puso) and hindi ito mawawala... I will give you the time you need and I let the fate decide kung kelan tayo muling magkikita... For now this will be our farewell.... I love you so much to the extent na kaya kong layuan ka para sa ikabubuti mo.... I want you to heal and open your heart sa tamang panahon... I will fight for our love pero sa ngayon you need to heal" Ang sabi niya sabay halik sa aking noo. Dahan dahan siyang tumayo at saka akmang lalabas na nang muli ko siyang tinawag
"Dre.... Wait...." Muli siyang lumingon sakin and this time he is crying his heart out....
"Thank you....." Ang sambit ko, tapos nun ay lumabas na siya ng kwarto ko.
Agad din namang pumasok sila Papa at tito Aelvin pati na rin si Tita Joana kasam niya si Ej na naka wheel chair. She said na hindi ako naalala ni Ej dahil sa nagkaroon siya ng partial amnesia and nakalitan niya ang isang parte ng kanyang buhay.
Marahang ngumiti lang ito sa akin at saka inabot ang kamay ko
"Nice to meet you... Felix.... I'm Ej...." Ang sabi niya
"Its nice to meet you too...." Ang sagot ko
"Nak what happened bat umiiyak si Dj?" Ang tanong ni tito Aelvin
"We both decided to go on our separate lives for the time being.... He said alam niyang I have to heal and recover.... And he is willing to stay out of my life and let the fate decide kung talagang para kami sa isa't isa... Papa.... When are we going back to California?"
"As soon as ma discharge ka... We can go...." Ang sagot ni papa
Dj Fernandez
Parang may libo-libong kutsilyo ang itinarak sa aking puso sa mg oras na iyon. Masakit man pero nangako ako na lalayuan ko siya malagpasan lang niya ang pagsubok na ito.
I will let the fate decide kun talagang para nga kami sa isa't isa.
Agad akong umuwi sa Condo namin ni Rina only to see kuya Jethro with the twins...
"Where the hell have you been young man? And where is that b*tch of a mother... Napaka iresponsable niyo naman na iwanan lang ang mga bata...." Ang agad na sigaw ni kuya sakin
I explained everything to him at parang natameme siya at di alam kung anu ang sasabihin niya for the first time, kuya Jethro is out of words...
"So anu na ngayon ang balak mo sa mga batang ito? I mean sa papel yeah you are the father pero they are not yours..."
"I will adopt them... Napamahal na rin sakin ang mga ito and I don't think Rina will be able to take care of them...." Ang sagot ko
Dito ko na lang sa kanila ibubuhos ang pagmamahal ko kay Felix...
Felix Lim
~1 week after the rescue
It has been a 3 days since naka labas ako ng ospital ang we are now on the air port and heading back to California...
I still don't know what to do there, I mean the school it self will be a giant reminder of Lance.. One step at the time and the first one is to accept the fact that he will no longer be with me...
I will take us 13-16 hours of flight this time with a quick stop to honolulu..
Dj Fernandez
After that day, ay di na talaga ako nagpakita sa kanya. Agad ko din namang inasikaso para malegalize ang costody ng mga bata sa akin.
It has been a week since that day and ang balita ko naka labas na si Felix and he is now on his way back to California. I do hope makapunta ako dun one day pag ok na ang lahat, pag ramdam kong ready na ulit siya pupunta ako. I will not look for him I will let destiny do its work, kung agkita kami dun edi ok pero kung hindi its ok also.
These past few days, eh nakita ko na rin sa wakas ang mukha ng tao sa panaginip ko... And it really is Felix, sa panaginig kong iyon he is smiling at me and we are in front of the altar saying our vows for each other.
Sa aking pag labas ng condo ay nakita ko sa kalangitan ang pag daan ng isang eroplano. I dont know kung yun ang sasakyan ni Felix pero sinundan ko ito ng tingin at saka humiling "Hiling kong makasama ang taong mahal ko... Sa tamang panahon... Sa tamang pagkakataon.... Farewell for now Felix...."
Itutuloy.....
A/N
The Doctor did not break the news but Byron did not make it... Namatay siya sa operating table dahil sa massive blood loss.
This is for all of you na silent lang at ayaw mag comment... Kahit na mukhang nahihiya kayo I will still thank you kasi pinag tyagaan niyo ang pag basa ng storyang ito... I can't be thankfull enough knowing na there are still some people na nakuha ko ang attention because of this story makes me happy, you all stayed until this part kaya I will bow down to you and say thank you so much for the support..
I do hope mag patuloy ang pag support ninyo sa akin sa mga susunod pa...
No comments:
Post a Comment