Pages

Friday, October 30, 2015

Hiling Chapter 23: Truth

Sorry for the delay, mejo mas mahaba siya ng konti kumpara sa ibang chapter pero aaminin kong maikli parin ito kung ikukukmpara sa mga pinaka unang chapter nito.

Last Chapter ay na introduce ko ang Character ni Felix so this chapter let me introduce Dream Justin "DJ" Fernandez

Chutavuth Pattarakampol (MARCH) as Dj Fernandez
                     

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dj Fernandez

Hanggang ngayon ay para paring panaginip ang lahat ng ito, andito ako ngayon sa labas ng airport naghihintay kay Sarrah pero this time eh di ako excited na makita ko siya kasi hindi ito gaya ng dati.

Kung dati ay umuuwi sila ni Lance Pilipinas ngayon ay umuwi siya para asikasuhin ang mga papeles para madala ang labi ni Lance pabalik ng California.

"She's here" ang agad kong sabi sa sarili ko ng makita ko siya naka shades at halatang mugto ang mga mata at galing sa pag iyak. Kahit naman siguro sinong tao ay iiyak ng puspusan lalo na kung kapamilya nila ang namatay at wala sila sa tabi nito haggang sa huli.

I may look calm and collected pero aaminin kong I am still in shock ni hindi ko magawang kumain, umiyak pa kaya.

Agad ko silang isinakay sa kotse ko at agad na tumungo sa punerarya kung asan ang mga labi ni Lance. Wala kaming imikan buong byahe kahit na sabihing nasa 10 minuto lang ang byaheng iyo ay pakiramam ko parang unti unti nilang hinigop ang hanggin sa paligid. Hindi ko magawang magsalita dahil sa ramdam ko ang lungkot na bumalot sa amin sa mga oras na iyon.

Malayo ang tingin ni Sarrah palabas ng sasakyan sa may gilid niya samantalang ang kanyang kasintahang si Keiji naman ay marahang hinahaplos ang kanyang likod. Pilit nitong inaalis ang lungkot sa paligid, pero halatang walang silbi ang kanyang mga ginagawa tulala parin si Sarrah as if he is not there at all.

Sa aming pag dating ay agad ko silang dinala kung saan nakaratay si Lance, doon na bumuhos ang mga luha ni Sarrah habang yakap yakap niya ang walang buhay na si Lance.

Sarrah Mendoza

Di paring ako makapaniwala hanggang ngayon gusto kong isipin na panginip lang ang lahat, pero hindi ko na maikakaila lalo na eto na nasa harap ko na si Lance puno ng galos at gas gas ang bunog katawan lalo na ang kanyang mukha na halos di ko na siya makilala.

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa at nawalan ng ganang mabuhay pa. Niyakap ko na lang siya at saka umiyak ng umiyak "Why did do this to me Lance?" ang tanong ko sa kanya pero alam kong wala nang silbi iyon.

Pilit ko siyang niyuyugyog ginigising dahil kahit na heto na siya sa harap ko't isa nang malamig na bangkay ay hindi parin ito rumerehistro sa akin. Para sa akin natutulog lang siya at gusto ko siyang gisingin.

"You promised me na walang iwanan diba, how can you do this to me?" ang muli kong sabi

"Diba sabi mo sabay nating palalkihin itong anak ko at ng anak ninyo ni Felix..."

Wala paring patid ang aking pag iyak nang naramdaman ko ang marahang pag haplos ng mga kamay sa likod ko. Doon ko na realize na kasama ko nga si Keiji at binalewala ko lang siya dahil sa bilis ng mga pangyayari sa puntong ito ng buhay ko.

Inakay ako ni insan para makaupo ng maiigi, marahan ko rin hinaplos ang aking tiyan at saka nagsalita. "Panu ba yan hindi niyo na makikita si Lance lalong lalo ka na wala na si daddy Lance mo tanging si Daddy Felix na lang"

Agad na lumingon sa akin si insan at saka nag tanong kung anu ang ibig kong sabihin. Nag volunteer kasi ako noon na maging surrogate mother ng magiging anak ni Lance at Felix. Si Felix ang biological father, nang muling itinanim sa akin ang itlog ko na nafertize ng semilya ni Felix ay doon na rin namin nalaman na buntis na din pala ako kay Keiji so ang labas ay kambal ang dinadala ko in the sense na same ang ina pero magkaiba ang ama. Pero tanging si Lance pa lang ang nakaka alam na naging successful ang artificial fertilization, gusto kasi sana niyang sabihin ang lahat ng ito sa araw ng aking panganganak     

Agad ko din siyang sinagot "Dalawa ang dinadala ko at ang isa dito ay anak ni Felix at ni Lance ang isa naman ay anak ko at ni Keiji, mejo maselan pero alaga ko sila lalo na ngayon na wala na  si Lance. Si Felix pala asan siya?"

"Nandoon siya sa ********** Hospital malapit lang naman iyon dito nasa ICU siya sa ngayon medyo malubha din daw ang kanyang lagay. Hindi ko pa nga din siya nakikita simula nang aksidente. Ibig mong sabihin ay ang isa sa dinadala mo ngayon ay anak nila Lance?" ang patanong niyang sagot sa akin

"Oo insan at si Felix ang biological na ama nito, kasi nakaka asiwa naman na ako na ang egg donor tapos si Lance pa ang magiging ama anu na lang ang kalalabasan nun." ang medyo patawa kong sagot sabay punas ng aking mga luha.

Wala na akong magagawa pa kundi tanggapin ang katotohanang wala na ang kakambal ko, pero sana makita ko si Felix para masabi ko sa kanya ang huling regalo sa kanya ni Lance. Alam kong matutuwa siya dahil sa pangarap nilang dalawa ito.

"If you want we can go there, ang balita ko eh andito na rin ang parents ni Felix kadarating din lang nila kaninang madaling araw." ang pag aya niya sa akin.

"Sa susunod na lang siguro insan, for now i need to arrage everything. I cant see him like this, I want the last memory of his face sa utak ko to stay the same and not like this so we will have to prepare for his cremation" ang muli kong tugon sa kanya.

Dj Fernandez

Para akong mababaliw sa mga natuklasan ko, buntis pala ngayon si Sarrah at isa sa mga batang dinadala niya ay ang anak ni Felix. Masakit para sa akin ang tanggapin ang balitang iyon lalo na aaminin kong mahal ko parin naman siya, tama nga sila "the truth hurts" ang katotohanang nakamove on na siya at halos buo na ang mga plano niya para sa kanyang kinabukasan at hindi ka kasama sa mga planong iyon.

Niyaya ko na si Sarrah sa ospital kung asan naka confine si Felix pero ang sabi niya ay sa susunod na lang daw kasi mas gugustuhin niyang asikasuhin ang pag papacremate kay Lance bago ang lahat.

Halos inabot din kami ng ilang araw para maayos ang lahat ng kailangan at napag desisyunan naming iburol si Lance pagkatapos ng kanyang cremation, para narin manatili sa aming mga alala ang kanyang anyo bago ang lahat ng ito.

Habang andito na Pilipinas sila Sarrah at Keiji ay doon sila tumira sa aming Condo ni Rina. Pinilit parin naming magsama alang-alang mga bata, aaminin ko napamahal na sa aking ang kambal kaya hndi ganoon kadali para sa akin ang iwan sila kahit na hindi ko sila tunay na anak.

Hindi ko na rin ipinaalam kay kuya Jethro at mga magulang ang buong katotohanan dahil sa ayaw ko ng malaking gulo gusto kong tapusin ang lahat ng ito ng walang masyadong ingay at sa amin lang ni Rina.

One week after ng pananatili nila Sarrah ay nagpasya kaming bumisita na rin kay Felix. Halata sa pag aalala niya na naging malapit din siya kay Felix kaya agad ko din naman siyang piinaunlakan.

Sa aming pag dating sa ospital ay doon namin agad na nakita ang mga magulang nila KM at Ej ayon sa kanila ay nasa stable na kondisyon na ang lahat kasama si Felix pero nananatili parin sila sa ICU dahil sa patuoy parin silang inoobserbahan.

Nasa ganoon kaming paguusap ng bilang may humablot sa aking balikat at sa aking pagharap sa taong iyon ay isang kamao ang agad na sumalubong sa akin.

"Hayop ka! ang lakat naman ng loob mong magpakita dito! kung hindi dahil sayo hindi sana sila ngayon nandiyan sa loob!" ang bulyaw sa akin ng ama ni Felix

"Tito anu po ba ang sinasabi ninyo?" ang agad kong tanong sa kanya

"Hoy! animal ka huwag na huwag mo akong matatawag na tito dahil simula sa araw na ito gagawin ko ang lahat para hindi mo na makita ang anak ko! Aelvin pakitawag ang guard at sabihin sa kanila na huwag nang papasukin ang taong ito dito!" ang muli niyang sigaw

"Bha easy..." ang tanging naging sagot sa kanya ni Prof. Cruz

"Tito Anton...." ang tawag sa kanya ni Sarrah habang inaakay ako patayo

"Sarrah, please ayaw kitang idamay pero kagagawan ito ng hayop mong pinsan at ng kakambal mong sakim. Hayop siya ipinag katiwala ko sa kanya ang anak ko tapos ito ang mangyayari sa kanya may pa-promise promise pa siya na aalagaan niya si Felix yun pala balak lang niyang magpakamatay at nandamay pa siya" ang mangiyak-iyak na tugon ni Tito anton sa amin ni Sarrah

"Tito please believe me its not his fault, kahit na ako ay nabigla sa mga pangyayari. Tito alalahanin niyo mahal na mahal ni Lance si Felix ng higit pa sa kanyang sarili kaya hindi ako naniniwala na magagawa niya ito" ang pag depensa ni Sarrah sa kay Lance

"No Sarrah I think he is right...." ang muli kong tugon na agad na ikinabigla nilang lahat

"As far as anybody here knows, eh ex ko si Felix at saka we didn't really end well kaya may mga pakiramdam parin na naiwan at hindi nabigyan ng tamang closure kaya noong muli kaming magkita ay doon din narealize ni Lance na ako ang tinatawag na Dre ni Felix and since then tension between me ang my cousin began. Para kaming nag tutuos para sa puso ni Felix at the last time I saw Felix was on the morning before the accident I kissed him. Hindi ko alam kung anu ang pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon pero narealize ko lang ang lahat ng maaninag kong naglalakad palayo sa aming kinatatayuan si Lance. I feel guilty dahil nasaktan ko ng sobra ang pinsan ko at ang taong mahal ko" ang mahaba kong tugon sa kanila

"Kung talagang mahal mo ang anak ko, sana hinayaan mo na lang siya.... sana..... sana pinabayaan mo lang siya....." ang pag duro sa akin ni tito Anton, naiitntindihan ko siya dahil aminado din naman ako na ginulo kong muli ang buhay ni Felix kaya siguro ito nangyari.

Anton Lim

Parang sinilaban ang aking dugo nang nakilala ko ang taong kausap ngayon nila Jam. Dali dali akong naglakad palapit sa kanya sabay hatak ng kanyang balikat at saka binigyan ng isang suntok sa mukha na nag pa tumba sa kanya.

Maaninag mo sa mga mata niya ang pagka bigla maging sa mga mata nila Jam at Joana. Agad akong hinawakan ni bha para pigilan pero talagang walang mapag lagyan ang galit ko kailangan ko itong ilabas at siya ang isa mga dahilan kung bakit nakaratay muli ang anak ko sa ospital.

"Hayop ka! ang lakat naman ng loob mong magpakita dito! kung hindi dahil sayo hindi sana sila ngayon nandiyan sa loob!" ang bulyaw ko sa kanya

"Tito anu po ba ang sinasabi ninyo?" ang agaran niyang tanong sa akin

"Hoy! animal ka huwag na huwag mo akong matatawag na tito dahil simula sa araw na ito gagawin ko ang lahat para hindi mo na makita ang anak ko! Aelvin pakitawag ang guard at sabihin sa kanila na huwag nang papasukin ang taong ito dito!" ang sigaw ko. Hindi ko na talaga kaya pang makita ang pagmumukha niya

"Bha easy..." ang pag pigil sa akin ng asawa ko

"Tito Anton...." tinawag ako ni Sarrah, Ayaw ko man siyang idamay pero si Lance din ang nakikita ko sa kanya kaya kahit papanu ay madadamay na rin siya sa galit ko.

"Sarrah, please ayaw kitang idamay pero kagagawan ito ng hayop mong pinsan at ng kakambal mong sakim. Hayop siya ipinag katiwala ko sa kanya ang anak ko tapos ito ang mangyayari sa kanya may pa-promise promise pa siya na aalagaan niya si Felix yun pala balak lang niyang magpakamatay at nandamay pa siya" ang mangiyak-iyak kong tugon kay Sarrah, siguro masamang pagkakataon lang ang lahat ng ito pero andito na to eh may ibang tao nang nadamay.

"Tito please believe me its not his fault, kahit na ako ay nabigla sa mga pangyayari. Tito alalahanin niyo mahal na mahal ni Lance si Felix ng higit pa sa kanyang sarili kaya hindi ako naniniwala na magagawa niya ito" ang pag depensa ni Sarrah sa kanyang kakambal

"No Sarrah I think he is right...." ang maikling pag sagot ni Dj

"As far as anybody here knows, eh ex ko si Felix at saka we didn't really end well kaya may mga pakiramdam parin na naiwan at hindi nabigyan ng tamang closure kaya noong muli kaming magkita ay doon din narealize ni Lance na ako ang tinatawag na Dre ni Felix and since then tension between me ang my cousin began. Para kaming nag tutuos para sa puso ni Felix at the last time I saw Felix was on the morning before the accident, I kissed him..... Hindi ko alam kung anu ang pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon pero narealize ko lang ang lahat ng maaninag kong naglalakad palayo sa aming kinatatayuan si Lance. I feel guilty dahil nasaktan ko ng sobra ang pinsan ko at ang taong mahal ko" ang mahabang paliwanag ni Dj sa amin.

Siguro kung inaasahan niyang mas magagalit ako sa kanayang rebelasyon ay masasabi kong nakuha niya iyon, galit na galit ako sa kanya dahil sa sinira niya ang magandang kinabukasan ng anak ko ginulo niya ang tahimik nitong buhay. Gusto ko siyang bugbogin sa mga oras na iyon pero tila nawalan ako ng lakas na kahit ang mga luha ko ay hindi ko na kayang pigilan pa dahil sa sobrang galit.

"Kung talagang mahal mo ang anak ko, sana hinayaan mo na lang siya.... sana..... sana pinabayaan mo lang siya....." ang sabi ko dito habang umiiyak at dinuduro ko siya, gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano siya kawalang kwentang tao, pinasan at kaibigan. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya iyon sa sarili niyang kadugo.

"Tito please calm down....." ang naging pag alo sa akin ni Sarrah pero hindi ko ito tinanggap at bahagya ko siyang naitulak palayo at natumba dahil doon.

"Umalis kayo dito, Ayaw ko na kayong makita please alang alang sa anak ko kung talagang mahal niyo siya umalis na kayo!" ang muli kong bulyaw

Nasa ganoon kaming kaganapan nang napansin ko ang pag durugo ng binti ni Sarrah. Nag panic ako at agad na tumakbo papalapit sa kanya.

"Buntis ka?" ang tanong ko sa kanya

"Opo tito... at si Felix po ang ama...." ang tanging naging sagot niya, para akong nabingi sa kanyang naging rebelasyon. May apo na ako...

Sarrah Mendoza

Ayaw ko man sana sabihin sa kanila ang tungkol sa bata ay wala na akong magagawa tungkol doon, dinugo kasi ako dahil sa pagkakatulak sa akin ni Tito.

Agad nila akong inasikaso mabuti na lang at walang masamang nagyari sa mga bata.

"Kambal ang anak ni Felix?" ang tanong sa akin ni tito Anton

"Hindi po, artificially fertilized po ang isa jan at yun ang kay Felix yung isa po ay anak namin ng kasintahan kong si Keiji." ang pagpapaliwanag ko sa kanya

"Alam ba ito ni Felix?" Muli niyang tanong

"Alam po niyang sinubukan namin noon, pero tanging si Lance pa lang po ang may alam na naging successful ang lahat." ang muli kong sagot sa kanya

"Anu na ngayon ang balak mong gawin sa mga bata?" 

"Gagalangin ko po ang hiling ng aking kakambal at sasabihin ko ang lahat ng ito sa kanya sa tamang oras. Siguro po pag ok na ang lahat ng ito, huwag po kayong mag alala hindi ko po ipagkakait ang bata sa inyo kung gusto po ninyo ay padadalhan ko kayo ng update pero ang tanging hiling ko din po sana ay huwag po muna ninyong sabihin kay Felix, alang alang kay Lance..." 

"Huwag na, ok lang ako. Gawin mo na lang kung anu sa tingin mo ang mas makakabuti para sa bata." ang tangin naging tugon ni tito Anton. Tila napawi ang galit niya sa amin sa mga oras na iyon dahil sa kanyang natuklasan, at ako naman ay muling naka hinga ng maluwag dahil doon.

Sa araw na din yun nakilala namin ang biological mother ni Felix at sa aming pagkikita nagtaka kami kung bakit biglang lumapit dito si Dj na parang kilalang kilala na niya ito.

"Good morning po mommy, kayo po pala ang attending physician nila Felix" ang narinig kong naging tugon ni Dj.

Ngumiti lang ang Doctor na tinawag ni Dj na Mommy at saka sa amin lumapit, at sa kanilang pag lapit ay nabigla kami sa kanyang pagpapakilala dito.

"Ah si Mommy Serina po pala mother in law ko, siya ang mommy ni Rina." ang sabi ni Dj

"Magkakakilala na kami, specially si Anton since he is the father of my lost son Felix" ang sambit ni Dra. Serina

Bigla kaming lahat napalingon sa kanyang sinabi, dahil sa hindi namin inaasahan sa natuklasan. Para akong naubusan ng dugo sa puntong iyon, hindi lubos maisip na si Rina at Felix ay magkapatid sa ina at kaya din naman pala ramadam ko ang init ng dugo ni Rina kay Felix dahil na rin siguro sa selos na hindi niya alam.

Ilang araw na naging linggo pa ang aming inilagi sa Pilipinas at sa bawat araw na inilagi namin ay lagi akong nasa ospital at ipinakilala ko na rin sa kanila si Keiji hanggang sa dumating ang araw na kailangan na naming bumalik ng California.

Sa huling araw ng aming pag bisita ay nag paalam ako kung pwede akong pumasok sa loob ng kwarto ni Felix gusto ko kasing sabihin sa kanya na ok lang ang lahat. Agad din naman akong pinayagan pinasuot lang nila ako ng gown hair cap at mask.

Marahan akong lumapit kay Felix at hinaplos ang kanyang buhok, masakit para sa akin ang makita siya ng ganito puno ng mga aparato at kung anu anung mga tubo ang nakasaksak sa kanya. Sa oras na iyon ay doon ko na sa kanya sinabi "Lix wala na si Lance...... ako na ang humihingi ng tawad..... kung anu man ang nagawa niya...... Alam mo kung gaano ka niya kamahal....... sana......mapatawad mo siya...... siya nga pala........... naging successful ang Fertilization............ Felix daddy ka na...... huwag kang mag alala....... aalagaan ko siya........kaya mag pagaling ka ha para sa anak mo....." ang marahan kong tugon sa kanya habang umiiyak pagkatapos nun ay ginawaran ng halik sa noo at saka agad na lumabas ng kwarto.

Dj Fernandez

Sa huling araw ni Sarrah ay nakapasok siya sa loob ng kwarto ni Felix samantalang kaming lahat ay nanatili lang sa labas at tahimik na pinag mamasdan ang pangyayari sa loob. 

Makalipas ang ilang minuto ay ginawaran niya si Felix ng halik sa noo at saka agad na lumabas hahabulin ko na sana siya nang sa aking muling pag lingon kay Felix ay doon ko napansin ang biglaang pag pitik ng kanyang hinliliit.

Parang tumalon ang aking puso sa nasaksihan kaya agad kong tinawag sila tito Anton at doon ay tinawag din namin ang mga nurse at doctor lalo na si Mommy siya. Tahimik akong muling pinagmasdan ang nagaganap sa loob maluha luha sila sa saya pero ang lahat ng ito ay biglang napawi dahil sa napagalaman nilang involuntary twitching lang pala ang nangyaring iyon at hindi pa ito ang sing na nakakarespond na siya katulad ni KM pero on the good side eh sabi ng Mommy niya ay nasa recovery period na rin daw si Felix kaya maasahan namin na tuloy tuloy na ito.

Makalipas ang ilang linggo ay hindi ko na talaga natiis pa at sinabi ko na rin Mommy Serina ang lahat. Ang tunkol sa null and void na kasal namin ni Rina at ang tungkol sa katotohanang hindi ako ang tunay na ama ng mga bata at ang plano kong pag alis ng bansa para doon na rin manirahan sa California kasama ang ang pinsan kong si Sarrah. Hindi naman ako kinontra pa ni Mommy sa kadahilanang alam niyang wala na nga ding reason for me to stay here kaya simula sa araw na iyon ay sinimulan ko na ang pag aayos ng ga kailangan ko para maka alis ng bansa.

Makalipas ang ilang araw mula ng umalis sila Sarrah pabalik sa California ay nabalitaan kong nagising na si KM, si Felix naman daw ay nagkakaroon na ng kauting response pag nakakarinig ng pamilyar na boses.

Itutuloy......


No comments:

Post a Comment