Here it is guys, sana magustuhan ninyo ang chapter na ito
Please do leave a comment I will be happy to read your reactions
And sa wakas I can Finally present the Characters of this story so here it is
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jam DC Del Rosario
After the accident that took one life and placed the lives of our kids in danger, we have then realized that we are to blame.
Jom and I have been very busy with our lives here, hindi na nga namin alam kung anu ang nagiging progress ng aming anak these past months. We have just based everything from what he looks. Para kasi sa amin basta makita naming masaya ang aming anak eh masaya narin kami.
We didn't know na may maynamamagtan na sa kanilang dalawa. Ayaw naman namin ni Jom ipagkait ang katotohanan sa kanya, we are just looking for the right time to tell him everything.
But it looks like naunahan kami ng pagkakataon, we have no choice. Hindi ko alam kung anu ang masakit, ang kamuhian ng sariling anak or ang makita siyang nakaratay sa ospital walang malay at puno ng kung anu-anung mga aparatos.
Nasa ICU parin silang tatlo at ayon sa scans ay mejo may kakaibang activity ang nadetect nila kay KM parang gumuho ang aking mundo. Di ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay pag nawala ang anak ko.
Ni hindi ko malapitan ang sarili kong anak hanggang bintana lang ako pinagmamasdan ang screen ng monitor habang nag tataas-baba ang linya dito indicating na buhay pa siya. Naramdaman ko na lang ang pag hagod ng kamay sa likod ko "Shhh... don't worry everything is going to be alright, the doctor says he will be fine" ang mariing sabi sa akin ng asawa ko.
"How can you say that? Jom our son is in coma and we can't even go near him" ang sabi ko sa kanya sabay yakap at iyak
Marahan niya lang na hinaplos ang ulo ko at sinabing "I know that, but I have faith in him and in our son, makakayanan natin to and besides he is just like you a fighter, he wont go down without a fight"
Nalala ko ang mga kwento sa akin ni Jom noong mga binata pa kami, ako ang nakaratay sa ICU. It was 22 years ago and yet the scar on my chest is still throbbing every time naaalala ko yun.
Hindi ko na kaya pang tingnan ang anak ko na nasa ganoong sitwasyon kaya nag lakad ako patungo sa Hospital Chapel at nagdasal, nagsusumamo na iligtas niya ang anak ko.
Ni hindi pa nga namin alam kung papanu namin sasabihin kina Aelvin at Anton ang tungkol din sa anak nila. Sabi nila Joana ay sila na ang magsasabi, nasa California na sila dahil nga sa may nag tangka umano sa buhay ni Feilx.
Jom DC Del Rosario
Kahit na pilit kong pinapakalma si Jam at pinapakitang ok lang ako ay aminado ako sa loob ko na gusto ko nang mag wala. Bakit ba naman kasi sa lahat ng pwedeng maaksidente ang anak ko pa at sa araw pa mismo kung kelan nangkaroon kami ng di pagkakaunawaan.
Gustuhin ko man ay wala akong mapagbabalingan ng galit ko dahil sa namatay din naman sa aksidente ang driver ng bumanggang sasakyan na si Lance ang nobyo ni Felix.
Kung sinuswerte ka nga naman oh bakit ngayon pa ito sa amin nangyari. Ayaw na ayaw kong ipakita sa kanila naapektuhan ako dahil sa mga oras na ito mas kailangan nila ng isang tao na mapagkukunan ng lakas ng loob. Hinayaan ko na lang si Jam na magisang pumunta sa chapel after all siya ang pinaka naapektuhan sa pangyayaring ito dahil sa halos siya ang naging source ng natural nutrients para sa artificial womb noon, kaya ang labas ay parang siya ang nag dalang tao.
Hindi parin ako mapakali maya't maya lang ay sinisilip ko si KM nag babakasakaling magkaroon ng himala at agad siyang gumising. Parang dejavu ang mga pangyayaring ito. Hindi hindi ko parin makalimutan noong si Jam ang nakaratay din sa ICU at nag aagaw buhay.
"Diyos ko huwag mo naman po sanang hayaang may masamang mangyari sa anak ko" ang pag sumamo ko sa kanya.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang napansin ko ang biglang pag galaw ng kanyang mga daliri. Para akong nanalo sa lotto walang mapaglagyan ang tuwa ko.
Agad kong tinawag ang doctor na naka assign sa amin pati na rin si Jam. Nananatili kami sa labas ng kwarto niya pinag mamasdan namin ang mga nurse at doctor na maiging inuusisa si KM hanngang sa kanilang pag labas ng kanyang kwarto
"We have good news and bad news" ang agarang sabi sa amin ng doctor
"The good news is, he is recovering at a faster rate but the bad news is mukhang yung kakaibang activity na nadetect namin sa kanyang utak ang unang naging symptom para magkaroon siya ng mga involontary and uncontrollable movements. But we still need to do some more tests and we can only confirm and asses the full extent of the damage sa kanyang pag gising" ang mahabang sabi niya sa amin
Marahan kong pinisil ang mga kamay ni Jam para kahit papanu ay pakalmahin siya dahil sa unti-unting pag bagsak ng luha sa kanyang mga mata. Maging ako ay nasasaktan sa naging finding ng doctor kasi nga its confirmed na he will no longer wake up the same.
Dahil na rin siguro sa mga involuntary movements niya ay maaring tumigil din siya sa pag lalaro ng tennis na sigurado akong mas ikalulungkot niya ito.
Anton Lim
~California
Parang muling gumuho ang mundo ko sa natanggap kong balita galing sa Pilipinas. Tulala akong nakatitig sa kawalan at hindi ko na napigilan ang pag agos ng aking mga luha.
Bakit ba laging nalalagay sa peligro ang buhay ng anak ko, ito na ang pangalawang beses at muling dawit parin ang pangalan ni Dj na yan. Walang mapaglagyan ang aking galit sa puntong iyon hindi ko alam kung anu ang gagawin ko sa mga oras na iyon, gusto kong mag wala pero hindi pupwede.
naramdaman ko na lang ang pag haplos ng kamay ng asawa kong s Aelvin sa mga balikat ko. Tanda na gusto niyang kumalma ako dahil walang magandang maidudulot ang galit na iyon. Lahat kami ay biktima lang din ng pagkakataon.
Wala nang pagdadalawang isip at nag desisiyon kaming agad na pumunta sa Pilipinas para asikasuhin namin si Felix doon. Sa ngayon buo na ang pasya ko gagawin ko na ang lahat mailayo ko lang ang anak ko sa taong iyon
It was the longest 30 hours of my life, ni hindi ako mapakali mula kanina sa airport lalo na ngayon pa na nasa loob na kami ng eroplano. Magkakahalong kaba at galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at pilit na pinapakalma ang aking sarili, alam kong walang magandang maidudulot pag bigla akong nag break down, Hindi ako pwedeng magpakita ng kahit na anu pa man kahinaan lalong lalo na kailangan ko ngayong magpakatatag para sa anak ko.
Joana DR. Del Castillo
It has been 24 hours since dumating kami dito ngayon sa Manila kasama ang mga pasyente namin na hanggang ngayon ay pare-pareho parin mga nasa ICU. Apparently since na sa may driver side sumalpok ang sasakyan nila Felix ay si Ej ang mas malala ang tinamo kumpara kay KM.
Ayon sa attending physician na si Dra. Merioles ay mayroon minor fracture ang ulo ni Ej and the worst possible na mangyari pag gising niya ay maging gulay ito maging bedridden for the rest of his life, the best thing is that he will just wake up with a persistent case of head ache for the rest of his life or he will just suffer an amnesia.
Kahit na saang angulo namin tingnan ay talagang magkakaroon ng epekto ang mga pangyayaring ito kay Ej. I just dont know how KM will cope with all of this when that time comes. Alam namin na mali ang ginawa nila na pumasok sa isang relasyon. Kahit na kasi sabihin nating hindi nila alam na mag kapatid sila ay aware sila na magkadugo sila so upon insisting na mahal nila ang isa't isa ay isang malaking factor to consider upon making a decision kung talagang tama ang kanilang ginagawa.
I have already informed Anton and Aelvin sa mga nangyari and the last thing i heard was that they are already on their way here. Kahit naman siguro ako ay gagawin ko ang mga lahat ng iyon pag ako ang nasa posisyon nila. I mean pare-pareho kaming nasa ganitong sitwasyon pero in their case is a little different since na wala sila dito sa bansa nang mangyari ang lahat ng ito.
"How about this certain Felix Lim, where are his relatives?" ang biglang bungad sa amin ni Dra. Merioles
We are all pre-occupied with our own na nakalimutan namin ang lahat about Felix, I was able to inform Anton and Aelvin pero aaminin kong nawala na siya sa isip ko after noon dahil sa nag aalala din nga ako sa sarili kong anak.
"ahh, wala pa po dito ang family niya Dra. taga California po kasi sila pero they are on their way na po" ang sagot ko sa kanya
"Any way please give me a call when they arrive I have to talk to them with regards to Felix's condition" ang muli niiyang sabi
"ah Dra. can you at least give us some update on his condition, he's a family friend so kahit papanu eh we want to know his status if that is ok." ang muli kong sabi bago pa man siya tutluyang umalis
"All I can say is that he is in stable condition and soon he is going to wake up, my only concern is that he has a few minor fractures sa ibat ibang parte ng katawan niya. So far eh wala din naman kaming ibang nakita sa kanya so we just have to wait for him to wake up to assess kung anu pa ang mga naging damage sa kanya." ang mahaba niyang sabi sa amin
Para kaming nabunutan ng isang tinik sa aming puso ng narinig namin ang balitang iyon tungkol kay Felix. At least we have to worry a little less now and all that we have to do is to wait for Anton and Aelvin.
Anton Lim
Right after touch down eh we did not waste a single second, agad kaming pumunta sa ospital kung saan naka confine ang anak ko. "God please, take anyone but him..." ang sambit ko sa sarili ko
Masama man isipin na willing akong ipagpalit ang buhay ng ibang tao kapalit ng buhay ng anak ko. Think of it like this if you are a parent and for a long time na pagahahanap eh sa wakas natupad ang hiling mong makita at makasama ang anak mo then all of a sudden eh malalagay sa alanganin ang buhay niya would you trade other people's live for his knowing na may pamilya din ang ibang tao na yun.
Its a tough place to be pero siguro eh parent's intuition na rin na handa naming gawin ang lahat para sa aming mga anak.
Its almost dusk nang nakarating kami dahil sa traffic jam and buong byahe eh para akong naiihi na natatae na di ko malaman ang sama ng pakiramdam ko, may kakaiba akong pakiramdam sa mga oras na iyon pero ipinag walang bahala ko na lang ito dahil sa iniisip ko parin ang kundisyon ng anak ko.
Sinalubong kami ni Jeffrey sa may entrance at agad niya kaming isinama sa may ICU. Parang dinurog ang puso ko, it is like history is repeating all over again. Anung klaseng kamalasan ba ang meron sa buhay namin at lagi na lang ganito mahigit isang taon pa lang simula nang may nag tangkang pumatay sa anak ko tapos ito naman ngayon ang nangyari sa kanya.
Tanging ang marahang haplos lang ng mga kamay ni Aelvin sa likod ko ang naging dahilan para hindi ako mag wala sa mga oras na iyon. Alam kong nag aalala din siya at napamahal na rin siya kay Felix lalo na mas matagal niya itong nakasama bilang studyante niya.
All I want is to hold my son, nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang may nagsalita sa likod ko. Isang pamilyar na boses. Boses na nag patindig ng balahibo ko.
"Excuse me are you the father of Mr. Felix Lim?" ang tanong niya
Ayaw kong humarap sa kanya dahil masama ang kutob kong si Serina ang nagsasalita, di ko alam kung papanu ko siya haharapin at kung papanu ko sa kanya sasabihin na si Felix ang anak namin na iniwan niya sa bahay ampunan.
"Yes, I am" ang sagot ni Aelvin
Nabigla ako sa kanyang sinabi, di ko alam kung bakit niya iyon ginawa. Agad din siyang humarap sa taong iyon samantalang ako ay nanatiling nakatalikod lang at naka harap sa anak ko.
"And this is my Husband Anton, he is the biological Father" ang muling sabi ni Aelvin sabay tapik sa aking bailkat.
Agad akong humarap sa taong kausap niya at doon ko na naptaunayan ang aking hinala.
Serina D. Merioles
Agad kong nabitawan ang file na hawak ko sa mga oras na iyon nang makita ko kung sino ang ama ng pasyente ko. Di ako makapag salita parang bigla niyang inagaw ang boses ko
"An...ton....this....." ang sabi ko pero bigla niyang putolin ang sasabihin ko
"Yes Serina its me, and this is our son, na inabandona mo" ang deretsahan niyang sabi
Di ako makapaniwala na after all this years eh muli kong makikita ang aking anak. Parang isang makaling bato ang biglang humarang sa aking lalamunan, namumuong mga luha sa mata ko naman ang hindi ko mapigilan.
Why haven't I realized na anak ko na pala ang nasaharap ko. Ang sabi nila eh par ina ka you will know na anak mo ang taong nasa harap mo dahil sa lukso ng dugo, pero why didn't I feel a thing nung nakita ko siya.
Ito ba ang epekto nang pag abandona ko sa kanya for almost 2 decades ni hindi ko na man lang nafeel ang bond that was supposed to be shared by a mother to her offspring. Kung yun ang magiging basehan para masabing isa kang mabuting ina ay tiyak bagsak na ako. Para akog nagising galing sa isang magandang panaginip.
"Can a severed tie between a mother and a child never be mended?" iyan ang tanong ko sa sarili ko sa mga oras na iyon
Itutuloy...

No comments:
Post a Comment