Pages

Monday, November 9, 2015

Chapter 24: Love and Hate

So here is Chapter 24 hope you all like it...

Please do leave your comments and reactions. It would be the greatest gift that you can give me if you let me know kung anu ang na feel ninyo...


but just like last chapters natapos ko nang ipinakita ang napili kong maging Face nila Felix at DJ. So for this chapter please let me introduce you to

Supassra Thanachat as Rina Merioles

   


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KM Del Rosario

I don't know what happened all I remember was a bright light and then suddenly its pitch black. I can hear voices of daddy Jam and Dad Jom, I can feel their emotions. Sadness, Grief and Worried. I hate that feeling I really want to tell them that I am okey and hug them tight to comfort them even though we've had our differences these past few years, both of them are still my father and I love them so much. I almost lost hope and then another familiar voice came through.

"Kelly never give up, I know that you can do it fight hard and move your body, open your eyes, shout, or better yet get up and hug them tight" 

I know that voice the last time we talked was when I've lost my way and almost got my self killed in the process. He told me his name was Jacob and he was my uncle, my daddy Jam's unborn twin.

Daddy used to tell me that he's supposed to have a twin brother but due to nutrient deficiency nana suffered the lost twin syndrome in which one of the twins sacrifices for the benefit of the other.

After hearing his voice again, I gave all my energy just to show them that I'm okey until.....

GASP..... huh......huh....huh.....

"Daddy!!!" I screamed

Jam Del Rosario

Nasa labas kami ng kwarto at nag uusap usap pilit kong inaaliw ang sarili ko at inaalis ang pangamba para sa anak ko.

Ayon sa mommy ni Felix eh nasa stable condition nanaman daw sila and pag gising nila ay kauting test's na lang ang gagawin to make sure everything is ok and then pwede na silang maka labas.

Everything is good pero wala parin sa kanila ang nagigising so we just have to wait. Aaminin ko gustong gusto ko nang mayakap ulit ang anak ko. He is my everything. Napasandal na lang ako sa balikat ni Jom sabay haplos sa likod ko para iparamdam sa akin na malalagpasan namin ang pagsubok na ito.

Ilang minuto nang naka alis si Dra Merioles ay nabigla kami sa aming narinig na sigaw mula sa loob ng kwarto ni KM

"Daddy!!!"

Agad kaming nag takbuhan papasok dahil sa narinig namin at sabay ng pag pasok namin ay ang pag dagdaan din ng mga nurse sa loob kasama si doctora.

Mablis na beep at halos walang interval ang tunig na nag mumula sa aparato na naka kabit sa kanya na ibig sabihin ay sobrang bilis ng kanyang heart rate, alam naming delikado ang ganito kaya masakit para sa amin ang mga sumunod na pangayayri.

Tulong tulong ang 2 nurse na hawakan si KM para di ito maka wala hanggang sa tinusukan ang dextrose niya ng pampakalma.

"Doc what happened?" Ang agad kong tanong nang nakabalik sa pag tulog si KM

"I think he's still in shock, siguro ang akala niya ay nasa scene ng aksidente pa siya kaya ganung ang kanyang naging initial reaction. I gave him something to calm down after a few hours sure ako magigising siya ng kalmado na" ang naging sambit sa akin ni Dra. Merioles

Matapos ang ilang oras ng pag aabang ay muling nagising si KM at sa kanyang pag gising ay agad niyang tinakpan ng kanyang mga kamay ang kanyang mga mata na tila takot na takot.

"Nak.... Its ok.... Were here...." Ang pag yakap ko sa kanya at ang pag sabay pag alo para muli siyang kumalma

Akala ko magiging ok na lang lahat hanggang sa muli siyang nag salita

"Daddy.... where are you?? why can't I see.... everything is so blurry.... daddy?? help!!" 

Parang muling gumuho ang aking mundo dahil sa kanyang mga sinabi. Mangiyak-iyak na ako at hindi ko alam kung anu pa ang gagawin pero muli ko na lang siyang niyakap para iparamdam sa kanya na hindi ko siyan iiwan at nandito lang kami ni dad Jom niya.

Muli kong tiningnan ang asawa ko tuloy tuloy parin ang pag agos ng luha ko dahil sa mga naging kinalabasan ng lahat ng ito. Kahit na masakit sa akin ang makitang nag hihinagpis ang anak ko dahil sa grabeng panlalabo ng kanyang paningin na mistula na siyang bulag, ay ok naman ang naging kabuoan ng kanyang kalusugan.

Ayon kay Dra. Merioles ay may gagawin pa silang iba pang test's para malaman kung anu talaga ang nangyari sa kanya.

KM Del Rosario

I feel so helpless, shocked and still unable to look at any light source. Daddy Jam assured me everything will be just fine, but how can I be fine when all I can see is blurr light.

I cant even make out a single thing, so this is how it feels to be blind, its not complete darkness but an entire field of blur and out of focus surroundings.

The last thing that I remember was a white light that was fast approaching and then Bang!!!

"Daddy Jam...." I called

"Yes anak, what can I do?" he answered back
 
"Where is EJ?"

"He's fine... you don't have to worry about him"

"I want to speak with him... please..." After all this I just want to hear his voice, the voice that belonged to my cousin, the love of my life my love, my everything

"Maybe next time... h...he still resting" he answered back but I can hear the inconsistency from his tone I know that EJ is not yet ok.

I cant do anything for now but to cry,and hope that he would be ok and I would be able to see his face.

Jam Del Rosario

Parang sunod sunod na kutsilyo ang unti unting tumatarak sa aking puso dahil sa pagsisinungalling ko sa anak ko tungkol sa kundisyon ni Ej.

Parang nagsisi na rin siguro ako na binalak naming paghiwalayin sila, pero anu ba naman kasi ang magagawa namin kundi ang sabihin na sakanila ang katotohanan nung mga oras na iyon.

Pero sa pagkakataong ito ay nagpasya ulit kaming lahat na ipag paliban ang lahat para sa ikabubuti ng magkapatid.

Anton Lim

Ilang linggo na rin kaming nandito sa Pilipinas pero hindi parin nagbabago ang kundisyon ni Felix. Hindi ako umuuwi mas ginusto kong manatili na lang muna dito sa labas kwarto ng anak ko, ayaw ko siyang iwan kahit na isang segundo.

Natatakot na ako baka kung anu pa ang mangari sa kanya pag wala ako. Medyo masakit parin sa akin ang lahat lalo na pag nakikita ko si Dj pero minabuti ko na lang siguro na hayaan siyang dalawin ang anak ko.

Sa tuwing pumapasok siya sa kwarto ni Felix ay doon siya umuupo sa may tabi nito at nag hihintay ng kung anung pwendeng mangyari, isang oras araw araw niya yun ginagawa, yun lang kasi an allotted time na pwede kaming pumasok sa loob mismo ng kwarto niya.

"Bha.... mag pahinga ka naman, ako na muna ang bahala dito.. umuwi ka muna..." ang tugon sa akin ni Aelvin

"Thanks bha pero dito lang ako, ayaw kong iwan ang anak ko"

"Bha naman eh, wag mo naman pabayaan ang sarili mo, baka ang sunod niyan kayong dalawa na ni Felix ang nakaratay dito dahil sa pinapabayaan mo na ang sarili mo" ang sabi niya sa akin at bakas sa boses niya ang pag aalala

Oo nga pala halos 3 beses na lang ako kumain sa isang linggo, wala na kasi akong gana, sa aking pag lapit sa bintana ng kwarto ni Felix ay doon ko naaninag ang imahe ng isang lalaki na hindi ko na makilala.

Sobrang lalim na ng mga mata, mugto at namamaga pa, mahaba ang balbas at ang bigote. Muli kong hinwakan ang kamay ni Aelvin at saka nilingon ko siya

"Bha, natatakot parin ako...."

"Dont worry, narinig mo naman ang sabi ni Serina diba. He is going to be fine and besides sa tingin mo ngayong alam na ni Serina na anak niya si Felix ay pababayaan ba niya ito? hindi diba so you dont have to worry. Go home take some rest, ako na bahala dito babalitaan na lang kita sa next vitals check ng mga nurse."

Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang sundin ang sabi ng asawa ko, ang swerte ko talaga at siya ang pinili kong mahalin. Kaming magbabarkada na kahit na may mga sariling pamilya na ay buo parin naman ang Royal 4.

Noon kasing mga studyante pa lang kami ay binansagan kaming Royals dahil sa kilala kaming 4 sa buong campus di lang dahil sa aming itsura kundi dahil na rin sa pagiging matatalino, nakaka angat sa buhay at higit sa lahat ay ang walang kapantay na katapatan sa isa't isa bilang magkakaibigan, pero singo ba naman ang mag aakalang kaming 4 din pala ang magkakatuluyan. Si Jam at si Jom tapos ako naman at si Aelvin.

Felix Lim

Madilim na paligid walang ibang emotion akong nararamdaman kundi ang nag uumapaw na kalungkutan, tanging mga boses lamang ang naririnig ko, pamilyar sila sa akin pero hindi ko sila makilala.

Hindi ko na alam kung anung oras na ba pakiramadam ko ay ilang taon na ako sa kadilimang ito, tanging mga mapapait na ala-ala ang pumapasok sa isipan ko.

Nasa gitna ako ng pag dadalamhati at pag iyak nang makita ko ang imahe ni Lance

"beb..Beb!!!" ang pag sigaw ko pero hindi siya lumingon sa akin

Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko siya magawang maabutan tila habang palayo siya ng palayo ay pabigat naman ng pabigat ang aking mga binti na tila naging isang kumunoy ang lupang tinatakbuhan ko hanggang sa ako ay natumba.

Sa aking pag bagsak ay muli ko siyang nilingon, mejo malayo na siya pero sigurado akong si Lance ang aking nakikita.

Nakatayo lang siya tila hinihuntay niya kung makaktayo pa ako, unti unti siyang lumingon sa akin  pero sa aktong iyon ay muli siyang nawala. Bigal siyang nag laho sa dilim. 

Sinikap kong umupo at saka niyakap ang aking tuhod, pilit kong iniiyak ang lahat ng sakit na aking naramdaman nang nakita ko ang pagka wala ng imahe ni Lance sa dilim hanggang sa nakarinig ako muli ng boses.

"Please... wake up.... Lix please wake up...."

Paulit ulit kong naririning ang boses ni Dre pero hindi ko siya mahanap. Bakas ko sa boses niya ang labia na pag aalala. Sa totoo lang ay gustong gusto ko siyang yakapin sa mga oras na iyon pero mas gusto kong makita ngayon si Lance. Kumusta na kaya siya sana ok lang siya.

DJ Fernandez

Ramdam kong may kaunting galit parin sa akin ang papa ni Felix dahil sa ako ang kanyang sinisisi kung bakit laging nalalagay sa panganib ang buhay ng kanyang anak.

Gayon pa man ay hinayaan niya na lang ako sa araw araw na aking pagbisita kay Felix, isang oras kada araw ay pumapayag ang mga staff ng ospital na makapasok kami sa kwarto niya.

Lagi na akong umuupo sa kanyang tabi, hinahawakan ko ang isa niyang kamay at mahinang sinasambit ang "Please... wake up.... Lix please wake up...." at sa hindi ko mapigilan ang ang mahinang pag bagsak ng aking mga luha.

"God please... save him...please....Just...save him, Lalayuan ko siya basta iligtas mo lang siya please.... Hindi ako sa kanya magpapakita unless it's the right time, just save him...." ang mataimtim ko dasal araw araw.

Kahit na masakit para sa akin ang ganun ay kakaynin ko. Lalayuan ko siya at hindi ako gagawa ng paraan para magkita kami, I will let the fate decide kung pag tatagpuin pa niya kami.

Rina Merioles

Nawala na nga sa akin ng tuluyan si DJ, mag 1 buwan na siyang umuuwi dito pero distansyado siya. Parang ang layo ng kanyang utak, kahit na inaaliw niya parin naman ang kambal ay pag dating sa akin ay wala na siyang amor.

As if I don't even exist. Isang araw I decided to visit mom sa hospital na kanyang pinag tatrabhuan. Pareho kasi sila ni Tita Tess doctor although sa general field ang practice ni mommy si Tita Tess naman ay OB-GYN ang field niya.

Sa aking pag dating sa hospital na iyon ay biglang may naramdaman akong kakaiba na marang may matutuklasan akong hindi ko magugutuhan sa araw na ito.

Agad akong pumunta sa kwarto kung saan ang office ni mommy pero ang sabi sa akin ng kanyang secretary ay nag rounds daw siya dahil may tatlong patient siya na nasa ICU at gusto daw kasi niyang matutukan ang mga ito dahil kakilala niya ang mga ito.

Napag pasyahan ko din naman na puntahan ang ICU para bistahin ang mommy ko tutal andun nanaman si Dj sa flat ngayon kaya siya ang nagbabatay sa kambal.

Sa aking pag lapit ay nahagip ng mga mata ko ang isa sa pangalan sa labas ng ICU "FELIX LIM". Hindi ako maka paniwala nandito pala naka confine ang bastardong tao na ito, hindi ko na lang ito pinansin dahil ninahanap ko kung saang kwarto ngayon si mommy

"Sana mamatay ka na wala ka namang kwenta, salot ka pa" ang mahinang bulong ko.

Aalis na sana ako nang bigla kong narinig ang boses ng mommy ko sa loob ng kwarto ni Felix. mukhang masaya siya dahil naririnig ko ang mga tawa niya. So ang bastardong ito pala ang isa sa mga patient ni mommy pero panu siya nakilala ng mommy ko and why would my mom even want to personally look into him, anung meron sa kanya at parang lahat ata ay gustong gusto siya.

Sa pag labas ni mommy ay doon niya ako nakita, nagulat naman siya dahil sa bihira akong pumunta dito sa kanyang trabaho.

"Oh your here, great I was just talking about you" ang sambit sa akin ni mommy.

Ngumiti lang ako sabay hug ang kiss sa kanya. "Hey mom can we talk?" ang tanong ko sa kanya

"Sure, pero I just want to introduce you to your lost brother" ang sabi niya

Nanlaki naman ang mata ko, hindi ko alam na may kapatid ako, at kung meron man sino bakit ngayon lang niya ito sinabi sa akin. Alam ba ito ni daddy na may anak siyang iba?

"Hey, sorry for keeping this kind of matter to you. You know that I love you diba, ikaw ang nag iisakong princess." ang sabi niya

Di na lang ako umimik pa sabay tawag niya sa mga tao sa loob "Hey Anton, I would like you to meet my princess RINA.... Rina siya ang daddy ni FELIX, a few months bago ako nag buntis sa'yo noon ay ipinanganak ko si FELIX pero I dont think na matatangap ng daddy mo ang bata kaya nag decision ako na iwan sa isang orphanage ang kuya mo although ilang months lang naman ang nag daan at nag buntis ako ulit sa'yo." ang mahaba niyang paliwanag sa akin

"What!? He's my brother!?" ang pagka bigla ko

Ayaw kong saktan ang mom ko pero hinding hindi ko matatanggap na kapatid ang bastardong iyan, inagaw na nga niya sa akin si DJ pati ba naman ang mommy ko aagawin niya rin. "Sana mamatay ka na mang-aagaw!" ang bulyaw ko sa isip ko

"So what do you want to talk about ha?" ang muli niyang tanong sa akin

"It's nothing, just forget about it" ang mabilis kong sagot kay mommy

Hindi pa nag sisink in sa akin nang mga natuklasan ko, why of all the people siya pa ang magiging kapatid ko. Hindi ako papayag na agawin niya pati ang mommy ko, agad na lang din akong umuwi sa flat ko at sa aking pag dating ay agad din namang umalis si DJ

"Hon where are you going?" ang sabi ko sa kanya

"Rina please stop calling me that, isa pa nagpunta lang ako dito to pack my things. I am leaving this place. I'll be staying sa dating bahay ni Felix pumayag naman ang daddy niya doon ako amg stay." ang sagot niya sa akin na halatang iritable, lagi nang ganito ang tono nya pag kausap ako samantalang pag ibang tao naman ay ok siya

"Oh and one more thing, it's final I just need you to sign it. Ayan na ang documents for the finalization ng divorce natin, and you cant say no since sabi ng abogado eh makukulong ka pag hindi mo iyan pinirmahan" ang muli niyang sinabi sabay alis dala dala ang ilang mga luggage bag.

Parang may kung anu sa loob ko ang gustong sunugin ang papel na iyon pero tama siya makukulong ako pag hindi ko ito pirmahan since na may evidence na i was already wedded to Byron 3 days before ang naging kasal namin noon.

Hindi ko talaga lubos maisip na magagawa yun lahat ni Byron, ang pag peke niya ng pirma ko laaht lahat pero ang masama pa ay na file niya ito agad kaya ang labas eh legal ana kasal ako kay Byron bago ako kinasal kay DJ.

Anu ba bakit biglang naging ganito ka gulo ang buhay ko, una yung kasal, tapos yung tunay na ama ng kambal ang natuklasan ni DJ tapos ngayon ako naman, natuklasan kong ang bastardong iyon ay kuya ko pala.

Hindi ako papayag, gagawa ako ng paraan para muling mapasakin ni Dj, ayaw ko man ay siguro kailangan ko ang tulong ni Byron.

DJ Fernandez

I was literally jumping for joy nang pumayag si Prof. Cruz na dun na ako mag stay sa dating bahay na tinutuluyan ni Felix. Wala nanaman daw kasing naka tira doon and sayang din naman kasi, isa pa ayaw ni daw ni Felix na ibenta ang bahay kaya nang nag presenta ako na ako na lang ang mag stay doon for the mean time eh agad namang pumayag si Prof. Cruz.

Di ko nga alam pero siguro reflexes ko na lang ang tawagin siyang Professor kahit na matagal na siyang wala sa school.

Ako naman since naka pag graduate na ako eh all i need now is to look for a job at simula nang natuklasan ko ang katotohanan na kasal na pala si Rina kay Byron ay agad akong nag seek ng legal aid para agad na mapawalang bisa ang kasal namin.

Ayon sa status eh dahil nga daw sa hindi ko naman na file ang marriage license ay madali na lang ang mga magiging process to fully nullify the wedding and since na lumalabas na kasal na si Rina ay pwede ko siyang kasuhan ng bigamy.

I sought a legal advice and asked kung maaring hindi ko na lang siya sampahan ng kaso if pumayag siyang pumirma sa divorce papers pero kung hindi ay itutuloy ko ang kaso. Agad naman din pumayag ang attorney dahil sabi niya mas maigi nga naman daw na habang kaya pa ay i solve namin ang problem outside the courtroom.

Agad akong umuwi na muna sa flat ni Rina to pack up my things, sa aking pag dating doon ay agad siyang umalis nang wala man lang pasabi kaya malugod ko na lang siyang hinintay habang nakikipag laro ako sa kambal.

Kung totoong anak ko lang ang mga to kahit na masakit ay hindi ko iiwan si Rina alang alang sa kanila pero anu ang magagawa ko lalo na kasabay ng pagkakatuklas ko ng about sa kasal namin ay siya ding pag bunyag sa akin ng isang unknown source na hindi ako ang tunay na ama ng mga bata.

At first eh nagdududa ako kaya palihim kong pina DNA test at yun nga confirmed hindi ako ang ama ng kambal. Isa lang ang alam kong pwedeng maging ama nila at iyon ay si Byron dahil sa alam kong matagal nang may pagnanasa kay Rina ang taong iyon at malamang ay ginawa nila iyon para makumbinse akong pakasalan si Rina pero ang hindi nga niya alam ay siya rin naman ang naisahan nito.

Karma nga naman kakaiba kung kumilos at sisiguraduhin nitong malakas ang tama nito.

Makalipas ang ilang oras ay naka balik na si Rina sa flat niya at ako naman ay natapos ko nang i pack ang mga gamit ko sa loob ng luggage bag and ready to go.

Agad akong tumayo at kinuha ko ang mga bag nang muli siyang nag salita habang naglalakad ako palabas

"Hon where are you going?" ang tanong niya sa akin

"Rina please stop calling me that, isa pa nagpunta lang ako dito to pack my things. I am leaving this place. I'll be staying sa dating bahay ni Felix pumayag naman ang daddy niya doon ako mag stay." ang sagot ko sa kanya with a cold tone

"Oh and one more thing, it's final I just need you to sign it. Ayan na ang documents for the finalization ng divorce natin, and you cant say no since sabi ng abogado eh makukulong ka pag hindi mo iyan pinirmahan" ang muli kong sabi sabay labas ng kwarto.

Tuloy tuloy na ako sa pag labas ko ng flat nang sa aking pag pihit ng main door ay biglang

PLANKKK!!!!!!!!!

Joana Del Castillo

It has been weeks pero wala paring development sa kalagayan ni Ej ganun parin siya. Hindi ko na talaga kaya pang makita ang anak ko na naka higa sa kamang iyan at puno ng kung anu-anong mga tubo.

Everyday I sat and pray beside him na sana gumising na siya, I will give him everything he wants kahit na alam kong mali, I'll just turn a blind eye sa relasyon nila ng kapatid niyang ni KM. For all he know eh pinsan niya lang talaga ito pero since na ako ang naging egg donor noon at si Jom naman ang kabilang side eh magkapatid sila di lang sa ina kundi maging interms of genes. Yah I know magulo pero genetically speaking since na kambal si Jom at si Jeffrey ay lalabas na magkapatid ang mga magiging anak nila.

Hawak hawak ko ang mga kamay niya habang patuloy na nag darasal nang bilang naramdaman ko ang pag galaw nito.

Agad akong napatingin sa kanya at doon parang tumalon ang aking puso nang nakita ko ang unti-unting pag dilat ng kanyang mga mata.

Elixir John Del Castillo

Isang masilaw na kwarto ang aking kinamulatan, anu ba ang nagyari sa amin? asan na ba ako? yan ang mga tanong ko sa sarili ko.

Di ako makapag salita dahil sa ramdam ko ang mga tubong naka pasok sa loob ng bibig ko, Ramdam ko din ang mga kamay ni mommy. It  has been a while since muli kong nahawakan ang kamay ni mommy ng ganito.

Nasa Ospital ako at una kong nakita si mommy na tila mangiyak-iyak dahil sa aking pag gising. "Si mommy naman OA para saglit lang naman akong nawalan ng malay" ang sambit ko sa sarili ko. Pero agad akong napa isip gaano ba talaga ako katagal nawalan ng malay at kailangan nila akong saksakan ng kung anu-anong mga tubo di tuloy ako makapag salita.

Basta the last thing that i remember is white light. but before that ang naalala ko lang ay..........

Ah yeah..... susunduin namin ni JJ ang pinsan namin from London kasama sila Uncle Jom at Ninong Jam. Pero asan si JJ...

Bigla akong nag panic just the thought na may masama ding nangyari sa kanya tiyak papatyin ako nila mommy and alam kong nasa ospital ako kaya alam kong nasa ospital din siya.

Joana Del Catillo

Agad napalitan ang mga ngiti ko nang napansin ko ang mga mata ni EJ na tila nagpapanic at may hinahanap siya, agad na tumunog ang heart monitor niya indicating ng sudden surge of heart beat.

In an instant eh agad na nakapunta ang mga nurse and staff at agad na tinusukan siya ng gamot pampakalma, agad siyang huminahon and sliped back to sleep after a few seconds.

Sa aking pag labas ay agad akong pumunta sa kabilang side, its now a private room since na nagising na kagabi si KM pero ang masama ay lubahang naapektohan ang kanyang mga mata, according to Jam eh tanging blurr light lang daw ang nakikita niya he can't make out a single item. He was very devastated kaya laging tulala at matamlay siya ngayon.

They have also decided to fly him back to London para ipatingin doon ang kanyang mga mata as soon as pwede na ulit siyang bumiyahe.

"Jam... EJ is awake...." ang mahinahon kong sabi sa kanya

Agad din naman siyang tumayo at saka niyakap ako, bakas sa mukha niya ang tuwa dahil ligtas na si Ej at si KM.

"Thank God..... Insan kumsta siya?" ang tanong niya sa akin habang naka yakap

"He's doing fine, although mejo nag shot up ang heart rate niya kaya muli siyang pinatulog ng mga nurse" ang sagot ko

Agad din namang nagising si KM sa aking sinabi, at walang pakundangan itong nag tanong.

"Babe is awake? can I go to his room?"

Medyo nakaka asiwa parin talagang pakinggan na tinatawag niyang babe ang kapatid niya, pero napag desisyunan ko na pagbigyan na lang sila at hayaang sila ang decide sa sarili nila kung tama ba ang pinasok nila since na alam nanaman nila ng katotohanan.

Alam ko ding labag sa kalooban ni Jam ang pasya ko kaya nga siguro gusto na agad niyang bumalik na muna ng London para makapag cool down ang lahat ng ito, and to hopefully maliwanagan si KM na hindi sila pwede dahil sa magkapatid nga sila, pero sadya sigurong matigas ang ulo ni KM dahil hindi ito sa amin naniniwala.

"Maybe next time na lang dear... he was put to sleep again kasi his heart rate went up and they need to calm him down for a bit... When he wakes I'll tell you and you can go and visit him." ang sagot ko.

KM Del Rosario

I Still can't see a damn thing. Daddy Jam and Dad Jom both decided na we'll fly back to London and have my eyes checked there.

I still don't like to move nor eat too much since last night. Tanging naramdaman ko lang ang presence ni Tita Joana. I still can't believe na sinasabi niyang magkapatid kami ni Ej, for all i know they are anly telling me that para mapag hiwalay nila kami.

"I wont accept that and I will fight for my babe" I said to my self

I herd her say softly to daddy na gising na daw si Ej kaya muli akong nabuhayan ng loob and said "Babe is awake? can I go to his room?"

"Maybe next time na lang dear... he was put to sleep again kasi his heart rate went up and they need to calm him down for a bit... When he wakes I'll tell you and you can go and visit him." she answered back

At least he's awake even though I can't see his face I just want to visit him, touch him, hug him and kiss him. My love, my everything..

That moment I went back to sleep with a big smile on my face, just thinking of him makes me smile.. see you soon babe.

Itutuloy....

No comments:

Post a Comment