Pages

Tuesday, October 6, 2015

HILING CHAPTER 20: Death of the Knight


This is the latest chapter and the darkest part. Tanggap kong magagalit kayo dahil dito pero this is just how the story should be.

I do hope you all like it

~Roj
                                                                      -0O0O0-

Felix Lim

Ni hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at bigla ko ulit naramdaman ang mga sakit ng kahapon.

Pero simula nung marinig ko ang kanta niya ay parag baha na biglang rumagasa at di na kayang pigilan pa.  Para akong isang taong nalukunod pero hindi sa tubig kundi sa aking nararamdaman, gusto ko nang mamatay sa mga oras na iyon dahil sa sobrang pagka lito ko hindi ko na alam kung anu ang gagawin ko kung sino ang pipiliin ko sa mga oras na iyon. Si Lance ba na naging katueang ko sa loob ng isang taon o si DJ na aminod akong hanggang ngayon ay laman parin ng aking puso.

Agad na lang din akong lumabas ng venue para makapag pagangin at makapag isip. Ilang saglit lang ay pinuntahan na rin ako ni Lance, niyakap niya ako at muli niya sa aking pinaramdam ang kanyang pamamahal. Aminado ako mahal ko na rin si Lance at walang duda na siya nga ang taong gusto kong makasama habang buhay, pero dahil sa nangyari ay nagsimula na akong pag dudahan ang aking naging desisyon.

Tama bang iniwan ko sa ere si Dj dahil sa kutob kahit na alam ko sa kaloob looban ko na hinding hindi niya ako magagawang lokohin. Tama bang binigyan ko ng pagkakataong mahalin ako ni Lance para lang saktan siya sa huli.

Hindi ko na alam pa kung anu ang mga pwedeng mangyari sa amin sa darating na panahon.

Napag pasyahan ko na ipag paliban na muna ang bagay na yon ang mahalaga alam ko na rin sa sarili ko na mahal ko din talaga si Lance, hindi man katulad ng pagmamahal ko kay Dj ay ang mahalaga masaya ako sa piling niya.

Bumalik na kami sa loob ng party para sa iba pang event. Tumatakbo ang oras na hati ang utak ko sa pag enjoy ng okasyon at sa pag iisip kung asan na si Dj. Di ko man siya tanungon ay alam kong yun din ang iniisip ni Lance sa mga oras na iyon. Kahit anung mangyari ay magpinsan parin sila at mas nauna ang meron sila kesa sa amin at naniniwala parin ako sa kasabohang "blood is thicker than water" kaya kahit pag bali-baliktarin man ang mundo hindi parin mawawala ang katotohanang magpinsan sila.

Pagkatapos ng party ay agad na rin kaming bumalik ng hotel ni Lance dahil sa bigat na nararamdaman namin pagod, stress at kung anu anu pa.

Lance Mendoza

Nagiguilty ako sa ginawa ko, para kong isinantabi ang pagiging magpinsan at mag best friend namin ni Dj. Yung tipo ng pakiramdam na malaki ang kasalanan mong ginawa sa kapatid mo. Sa sobrang pagka close kasi naming dalawa ay halos magkapatid na ang turingan namin

Hindi ko aam kung bakit ko nagawang kalimutan ang lahat ng dahil lang sa isang tao. Nung mga oras na yun eh ramdam ko ang tensyon na namagitan sanaming dalawa ramdam ko rin na naipit sa aming dalawa si beb at dahil doon ay nakita ko siyang lumabas ng venue. Gusto ko siyang habulin agad at pigilan. Sa sobrang selos ko ang tumatakbo ngayon sanisip ko ay hahabulin niya si Insan at iiwan niya ako para na akong paranoid, kung anu anu na lang ang pumapasok sa isip ko.

Alam ko sa loob ko hindi niya yun magagawa, ilang sandali pa ang lumipas simula nang lumabas siya ay nag pasya akong hanapin na siya.

Sa aking pag labas ng venue ay nakita ko siyang naka upo sa ilalim ng puno at malayo ang tingin tila malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya at saka niyakap ng mahigpit ipinaramdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya at walang makakapag hiwalay sa aming dalawa.

Matapos ko siyang icomfort ay muli ko siyang niyaya sanloob para tapusin ang party namin. Pinakita ko na lang na masaya ako kahit na alam ko sa loob ko na hindi ako lubos na masaya sa araw na yon dahil sa mga natuklasan ko.

Malalim na ang gabi nang natapos ang aming party pero saka pa lang nagakakaroon ng buhay ang isla dahil sa mga night rave pero napag pasyahan namin ni beb na bumalik sa aming hotel dahil na rin siguro sa bigat ng pakiramdam.
__

Sa aking pag gising kinaumagahan ay hindi ko na nadatman si beb sa tabi ko, ni di ko man lang namalayan ang kanyang pag bangon. Samantalang sa kabilang kwarto naman ay mistulang may kaguluhang nangyayari dahil sa mga sigawang aking naririnig pero hindi ko makuha kung anu ang kanilang mga sinasabi.

Agad na akong lumabas ng kwarto at tumungo sa dinning area para kumain, sa aking pag labas ay nakita ko ang mga ninong ni beb at ang pinsan at asawa nito. Si tita joana eh tulalang nakatayo sa may pinto na parang wala sa sarili at naka kita ng multo.

Akmang aalis na ako nang biglang tumakbo palabas ang magpinsan na sila EJ at KM magkahawak ang kamay at mabilis na lumabas ng hotel. Sinubukuang habulin ito ng kani-kanilang mga ama pero hindi na sila inabutan.

Hindi na ako nakialam pa sa kaguluhan nila alam ko private mater ang nangyaring iyon at wala akong karapatang makisawsaw. 

Pag dating na pag dating ko sa dinning area ay naka handa na ang mesa namin ni beb pero pang isang tao lang ang naka handa kaya tinanong ko ang nasa kitchen counter kung asan ang kasama ko at doon ko nalaman na maagang kumain si beb at saka lumabas din ng hotel. Siguro ay nagpapahangin ito at namasyal mag isa.
__

Pagkatapos naming kumain napag pasyahan ko rin maglakad lakad mag isip kung papano ako manghihingi ng tawad kay insan dahil sa inasta ko kagabi sa harap ng lahat ng tao sa harap niya at ng asawa niya at sa harap mismo ni beb.

Sa aking pag lalakad lakad ay naaninag ko sa malayo si insan at si beb magkausap sila hindi pa man ako nakakalapit ay nagimbal na lang ako sa sumunod kong nakita.

Agad akong tumalikod at saka nag lakad papalayo muling napuno ng galit ang puso ko. Sa mga oras na iyon ay gusto kong pumatay ng tao dahil sa sakit na nararamdaman ko. Di ko inaakalang magagawa nila iyon.

Walang ibang tumatakbo ngayon sa isip ko kundi galit at pagkamuot, kinasusuklaman ko siya bakit sa lahat ng taong pwedeng gumawa ng ganun sa akin ay ang sarili ko pang pinsan. Sa mga oras na to gusto kong tawagan si Sarrah pero hindi siya sumasagot ng tawag isang email na lang ang aking sinend sa kanya at maghapon na lang akong nag kulong at nag hintay kay beb sa loob.

Dj Fernandez

Bakas parin na aking isipan ang mga naging kaganapan sa kagabi simula sa kaarawan ng mga anak ko. Di ako makapaniwala na ang kasalukuyang kasintahan ngayon ni insan ay si Felix.
Isang taon mula nang mag hiwalay kami ng landas mula nang nagpasya siyang putulin na ang anuman relasyon meron kami ay muli kong naramadaman ang lahat ng iyon. Mahal ko parin siya at handa akong gawin ang lahat para muli siyang makuha, handa akong ipawalang bisa ang kasal ko alang alang sa kanya.

Sabihin na niyang tanga ako, sakim at kung anu-anu pa handa kong tanggapin ang lahat ng iyon dahil alam kong totoo yun.
__

Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako o sabihin na lang natin na umaga na at hindi parin ako makatulog. Hindi ako dinadalaw ng antok, Ipinipikit ko lang ang aking mga mata pero hindi mawari sa isipan ko si Lix.

Lumingon lang ako sa aking tabi at nakita kong mahimbing na natutulog si Rina, nakakatawang isipin na sa hitsura niya ngayon ay parang bumalik talaga ang dating rina na minahal ko noon.

Mahigit isang taon na kaming nag sasama pero hindi ko parin siya magawang mahalin muli dahil sa may mali akong nararamdaman.

Makalipas ang ilang oras ng pag kakahiga na kahit na hindi ako nakatulog ay nag pasya akong bumangon na at saka maglakad-lakad para makapag pahangin.
__

Sa aking pag lalakad sa may dalampasigan ay nakita kong nag iisa si Lix at tila malayo ang tingin. 

Nilapitan ko siya at saka kinausap gusto ko kahit na malabo ay subukan parin nagbabakasakaling may pag asa pang maibalik ang dati.

Tinapik ko siya sa likod at saka kinausap "Lix pwede ba tayong mag usap ng tayo lang?"   ang pauna kong sabi

"Pwede bang itigil mo na to Dre, parang awa mo na mahal ko si Lance, isa pa Pinsan mo siya at ang higit sa lahat may asawa at anak ka na." ang mahaba niyang sagot sa akin

Parang akong pinaulanan ng bala dahil sa kanyang mga sinabi sa akin. Lahat ng iyon masakit at tagos sa aking puso, tama nga sila masakit ang katotohanan pero kailangan natin itong tanggapin dahil ito ay katotohanan.

"Sige Lix ititigil ko lang ang lahat ng kahibangan kong ito kung kaya mong sabihin sa akin ngayon din ng harap-harapan na hindi mo na ako mahal at tanging pagkamuhi na lang ang nararamdaman mo para sa akin" ang mahaba kong bulyaw sa kanya, nangangamba ako baka kaya niyang sabihin ang lahat ng iyon pero may kauting pag asa parin akong pinanghahawakan na hindi niya iyon sa akin masasabi.

Natigilan siya at natulala, tanging mga luha lang ang nakita kong tumulo sa mga mata niya. 

Hindi ko na alam kung anu pa ang pumasok sa utak ko at bigla ko na lang siyang siniil ng halik. Halik na puno ng pagmamahal at pangungulila sa taong nilalaman ng puso ko.

Sigurado na ako siya ang taong nasapanaginip ko. Siya ang taong nais kong makasama habang buhay.

Parang tumigil ang oras sa puntong iyon, tila walang ibang tao sa isla kundi kami lang. Natauhan na lang ako ng kumalas siya sa paghalik sa akin, itinulak ako papalayo at saka walang pasabing umalis. 

Bakas sa kilos niya na umiiyak siya at nagpupunas ng mga luha habang naglalakad palayo.

Felix Lim

Hindi ko inaakalang magagawa niya iyon sa akin, para niya akong ininsulto ng harap harapan. Gusto niyang piliin ko siya kesa sa pinsan niya, Aminado ako na may nararamdaman parin ako para sa kanya pero mahal ko si Lance at ayaw ko siyang saktan.

Parang bumalik nanaman ang lahat noon bago ako umalis ng bansa ang pakiramdam na kailangan kong mamili sa dalawang taong pareho kong mahal. Ang tanging turo sakin nila papa ay timbangin ko sa puso kung sino ang mas mahal ko at kung saan ako masaya.

Ika nga niya ay mas maiging masaktan siya sa katotohanan kesa sa pagaanin ko ang loob niya sa kasinungalingan. Buo ang pasya ko si Lance ang mahal ko at hinding-hindi ko siya lolokohin kailangan ko na talagang bitawan lahat ng nararamdaman ko para kay Dre.
__

Nagpatuloy ang araw na iyon na parang normal lang bumalik ako sa hotel namin ni Beb at saka niyaya siyang mag swimming at i-enjoy ang buong isla.

Agad niya akong pinagbigyan pero may kakaiba sa mga kilos ngayon ni Lance. Gusto ko siyang kausapin tungkol dito pero hindi ako makahanap ng tiyempo.

Sa pag sapit ng gabi ay pumunta kami sa isang sikat na lugar sa isla kung gabi maliban sa sea side at sa aming pag byahe pabalik ng Hotel ay doon ko siya kinausap tungkol sa kakaibang pakiramdam ko sa mga kilos niya buong araw.

"beb what's wrong with you?" ang agaran kong tanong sa kanya

"what do you mean?" ang maikli niyang sagot sa akin

"Please tell me I know there is something wrong. You are not your self since this morning, Do not lie to me beb I know you." ang pambabara ko sa kanya 

"Its nothing beb don't worry about it, Let me just tell you this I LOVE YOU and no matter what happens I will never let you go"

Felix Lim

Matapos niyang sabihin iyon ay agad akong nakaramdam ng kaba, takot at pangamba. Hindi na siya ang Lance na nakilala ko at minahal ko ng isang taon. Napaka possessive niya sa sinabi niyang iyon, ang dating sa akin nun ay mas gusgustuhin pa niyang mamatay kami kesa maagaw ako ng iba.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, sa di malamang dahilan ay pinaharurot din niya ang sasakyan kita ko sa malayo na naka red light kaya pinilit ko siyang kausapin pero di niya ako pinakinggan.

Ang bilis ng mga pangyayari ang huli kong naalala ay ang pag bangga namin sa isa pang sasakyan pagkatapos nun ay dahan dahan nang pumikit ang aking mga mata.

Lance Mendoza

Di ko alam kung anu ang pumasok sa utak ko pero tanging selos lang ang nararamdaman ko lalong lalo na pag naalala ko ang nakita ko kaninang umaga sa may dalampasigan ang pag halik ni Dj sa kanya.

Di ko na inalam pa ang kanyang panig at agad ko na lang pinaandar ng mabilis ang sasakyan. Kita kong red light na kahit malayo pa pero hindi ko mapigilan ang sarili kong paharurutin ang kotse.
"mahal na mahal kita beb at mas gugustuhin ko pang mamatay tayong dalawa kesa makuha ka ng ibang tao" ang sambit ko sa sarili ko.

Sinadya kong hindi mag seat belt sa oras na iyon. Sa mga huling segundo tanging takot na lang ang aking naramdaman ayaw ko pang mamatay pero pakiramdam ko ay pinatay na rin ako ng sarili kong pinsan dahil sa kanyang ginawa.

Pumikit na lang ako at saka ang huli kong naramdaman ay ang pag salpok ng sasakyan at saka ang pag tilapon ko palabas ng windshield.

Bago pa dumilim ang lahat ay nakita ko si beb wala rin malay at saka duguan. Umiyak na lang ako at saka humingi sa kanya ng tawad.

"I'm sorry beb" yan ang huli kong sinabi hanggang sa huling hininga ko.

Dj Fernandez

Matapos kong mabalitaan ang nangyari ay agad akong tumakbo palabas at saka hinalughog ang mga malalpit na ospital hanggang sa matunton ko ang kinaruroonan nila.
Di ko malaman kung anu ang gagawin ko, malubha ang kalagayan ng 2 kong kaibigan  pati ng taong mahal ko at ang masaklap pa ay pati ang pinakamalapit kong pinsan ay kasama sa aksidente at siyang sinawing palad.

Maluha luha akong nakarating sa loob at doon ko nakita ang mommy at daddy ni Ej at ang dalawang ama ni KM pare-pareho silang malalim ang iniisip.

Bakas sa kanilang mukha ang pag alala sa kanilang mga mahal sa buhay. Sa loob ko masuwerte sila dahil kahit papanu ay nakarating pa ng buhay ang kanilang mga anak sa ospital samantalang ako ang pinsan kong hindi ko nakita ng mahabang panahon.

Namatay si Lance ng may sama ang loob sa akin dahil sa mga ginawa ko sa kanya kahapon. Aminado akong mali pero nagmahal din lang ako. Hati ang puso ko sa pag dadalamhati para sa kanya at sa pag alala ko sa kalagayan ni Felix.

Di ko na alam pa ang gagawin ko sa mga oras na iyon, napaupo na lang ako sa isang sulok ng ospital at agarang tumulo ang aking luha.

Bakit ganun lagi na lang bang malalagay sa panganib ang buhay ng taong mahal ko dahil sa akin?

Itutuloy...


                                                                      -0O0O0-

Hey sis i know this is out of the blue,  just want you to know that no matter what happens I will always be there for you.
Please tell Felix that I love him so much
love lots
Lance
~ang huling email ni Lance kay Sarrah

No comments:

Post a Comment