-oO0Oo-
Natigilan ako sa kantang iyon, di mawari sa isip ko
ang mga mata ni insan bago siya umalis. Galit pagkamuhi, pagkasuklam, at poot
ang nakita ko. Kung may nagkataon sigurong di niya ako pinsan at di niya ako
kilala siguro ay napatay niya ako. sa talang buhay ko ngayon ko lang nakita si
insan na nagkaganun.
Buo na ang pasya ko gusto kong umalis, magpakalayo
muna. Gusto kong mag isip at mag muni muni. Pagkatapos kong mag impake ay
bumababa na ako at doon saktong nakita ko sila momy. Agad naman akong nag
paalam at sinabi ang plano ko.
Ako: momy!
Momy: anu yun
anak?
Ako: momy can
we take a short vaccation?
Dady: sure..
tutal malapit nanaman ang school break. Kaya sige saan mo gusto anak? US,
Austrailia, Japan, Hawaii.. name it at agad tayong pupunta dun sa start ng
school break ninyo saka kung gusto mo isama mo pa ang mga barkada mo its our
treat.
Ako: no dad. I
want it now.
Momy: bakit
naman ata biglaan??
Ako: basta momy
i just need time to think gusto ko muna ang isip.
Dady: is there
a problem son? Tell us and we’ll do our best to help out
Ako: dady,
pwede mo bang kausapin ang buong angkan na palabasin muna na may family
emergency para naman pumayag ang school.
Dady: sure
anak, pero i can’t promise for a positive response mula sa kanila alam mo naman
na family emergency is a serious situation at dapat lagn gamitin yan pag
talagang may totoong emergency..
Ako: siguro
naman dady pwede nilang ireconsider, i just need air and time to think. May mga
rescent events kasi na nangyari ngayon na gusto kong pag isipan.
Momy: anu ba
iyan anak? Baka naman we can help?
Ako: it
something too personal ma, and i know mas masosolve ko lang ito pag ako lang
mag isa.
Momy: ok we do
our part.
Ako: thanks
momy, and please one more favor.. kung pumayag man sila please huwag po ninyong
ipaalam kay Joana. Alalm ko kasi makiki-alam iyon.
Dady: pero diba
anak eh..
Ako: alam ko
dady, so please dady no but’s no if’s please...
Dady: ok..
we’ll do.
Dahil doon ay kinausap agad nila dady and buong
angkan, at laking pasaalamat ko din naman dahil sa pumayag sila sa nais namin.
Iniabot ko naman sa kanila ang sulat na ginawa ko para pirmahan nila ito at
para din ma ipasa ko na agad bukas. Agad namang pumirma sila momy at dady at
sinabi nila an agad din kaming aalis at ipapahatid na lang kay manang ang aking
sulat.
Kinaumagahan ay agad na ipinasa ni manang ang aking
excuse letter sa aming professor at pagbalik na pagbalik ni manang ay agad din
naman kaming umalis patungo sa aming resthouse sa tagaytay. Gusto ko talagang
lumayo at mapag isa pero ayaw nila momy natatakot daw kasi sila baka may gawin
akong ikakapahamak ko.
Halos ilang oras din naman ang iginugol ng namin sa
byahe patungo sa tagaytay, sa buong byahe namim ay wala na akong ibang inisip
kundi ang lumayo at mapag isa. Dahil doon ay nabuo ang isang plano, tatakasan
ko sila momy at para matuad ang planong iyon ay sisiguraduhin kong tulog na
sila mamaya gabi bago ako umalis.
Halos umayon naman sa aking plano ang lahat dahil sa
sobrang pagod ay agad nang natulog sila momy, nag paalam ako na ppupunta ako sa
aking kwarto para narin magpahinga. Pag pasok ko sa aking kwarto sa halip na
mag pahinga ay agad akong kumuha ng isang papel at nagsulat ng isang liham para
kina mama at nang matantya kong tulog na sila ay dahan dahan akong lumabas ng
kwartoko iniwan ang liham sa may paan ng pinto ng kanilang kwarto at dali
daling umalis, di ko rin alam kung saan ako pupunta. Bahala na basta kailangan
kong mapag isa at mag isip.
Sa aking paglalakad ay napad-pad ako sa isang
kombento, di ko naman talaga gustong pumasok ngunit nang aalis na ako ay may
tumawag sa akin at kinausap ako.
???: hijo...
napansin kong parang may problema ka?
Luumingon ako sa paligid at sinigurong walang ibang
taong kausap si father.
Ako: ako po ba?
Sorry po kung naka-abala ako, napadaan lang naman po ako, at naghahanap ng
matutuluyan.
Father: bakit
hijo saan ka ba galing, bakas sa mukha mo ang pagod at tila may mabigat kang
problema?
Ako: opo
father, umalis po ako sa amin, di ko naman po talaga ginustong umalis pero
minabuti ko pong umalis na lang muna para makapag isip ako, medyo mabigat po
kasi ang aking problema ngayon. Ngayon po eh wala pa po akong matutuluyan. Oh
sige po, mauna na po ako at ako’y maghahanap pa ng lugar na pwedeng tuluyan
Father: Hijo,
sandali dito ka na tumuloy.
Nagtataka ako sa naging alok ni father sa akin,
nahihiya talaga ako dahil ang alam ko ay ang lugar na iyon ay para lang sa mga
pari at sakristan. Nadadalawang isip ako kung tatanggapin ko ang alok ni
father, pero di pa man ako nakakaag
desisyon ay muling nag salita si father.
Father: hijo
tandaan mo, ito ay bahay ng ating panginoon at ang pinto nito ay laging bukas
para sa mga nangangailangan, kung anu man iyang problema mo ay masnararapat na
ikaw ay lumapit sa kanya at sa kanya ka humingi ng tulong.
Medyo naguguluhan man ako sa kanyang mga sinabi pero
minabuti ko na ring tanggapin ang kanyang alok alam ko kasi isa ito sa mga
lugar na di nila momy paghahanapan sa akin, sigurado akong hahalughugin lang
nila ang lahat ng hotel, room for rent, resort iba pang lugar dito sa tagaytay
pero di sila maghahanap sa akin sa loob ng kombento.
Pumasok ako sa loob at saka pinakilala ako ni father
sa mga sakristan.
Father: Magandang
umaga, ngayon ay pansamantala nating makakasama dito sa atin si... (sabay
lingon sa akin)
Ako: Jacob Del
Rosario po, Jake na lang itawag nyu sa akin..
Sinadya kong di sabihin ang buong pangalan ko para
narin mas maging epektibo ang pagtatago ko kina momy.
Mga Sakristan: magandang
umaga Jake..
Father: Jeffrey,
maari mo bang tulungan itong si Jake... gusto ko rin sanang ikaw mag maging
kasama ni Jake sa lahat ng oras dito sa loob turuan mo siya, ituring mong
kapatid. pwede ba iyon?
Jafferey: sige
po father wala pong problema, ako po ang bahala kay Jake...
Nanlaki ang aking mga mata sa narinig kay father at
lalo na nang makita ko ang sakristan na kanang kinakausap. Kung pinaglalaroan
ka nga naman ng tadhana oo, sa dinami dami ba naman kasi ng taong pwedeng
tumulong sa akin ay magiging kapangalan pa niya at kahawig pa.
Kinuha na ni Jeffrey ang aking mga gamit at dinala
ito sa isang kwarto. Mejo maliit lang ang kwarto di ito katulad ng mga hotel
pero pwede nang pag tiyagaan tutal ginusto ko naman ito kaya kailangan ko itong
gawin. Sa loob ng kwarto ay inaya ko ng magusap kami ni Jeffrey, doon ko napag
alaman na ulila na pala siya simula ng baby pa lang siya at dito na siya sa
kombento lumaki, habang nagsasalita si jefferey ay di ko talaga maiwasang hindi
siya pag masdan, maigi at maingat ko siyang pinagmasdan at doon lalo kong
nakompirma na talagang magkahawig sila ni Jom yung tipong pinagbiyak na buko na
kahit saang angulo mo tingnan ay pareho talaga. Nabasag lang ang aking
magmamasid sa kanya ng muli tinanong niya ako.
Jeffrey: Tao
po? Hello Jake anjan ka pa ba?
Ako: anu? Anu
daw?
Jefferey: ang
sabi ko eh, ikaw bakit pa nga pala
napunta dito?
Ako: kasi,
ahhmm... may problema lang ako at aksidenteng napadaan lang naman ako dito
dahil naghahanap ng pwedeng matuluyan tapos inalok ako ni father, ayaw ko
sanang pumayag kaso nakakahiya naman kay father.
Jeffrey: ahhh
ganun ba? Kung OK lang sayo pwede ko bang matanong kung anu prolema mo?
Ako: siguro
huwag muna ngayon Jefferey, di ko yata kaya eh..
Jeffrey: ahhh
alam mo parang alam ko yan.. pag ibig yan anu?
Natameme ako sa kanyang sinabi di ko alam kung anu
ang isasagot ko, napatango nalang ako at pinilit ibahin angusapan
Ako: teka kanino
pala kwarto ito at sino ang kasama ko dito?
Jeffrey: bakit?
Ako: wala
natanong ko lang, dalawa kasi ang kama kaya natanong ko kung kaninong kwarto
ito at kung sino ang kasama ko..
Jeffrey: guest
room ito Jake kaya wala kang kasama dito pero kung gusto mo kausapin ko si
Father na samahan ka dito.
Ako: ha?! Bat
mo naman nasabi yan?
Jeffrey: wala
lang, nababkasakalai lang ak na baka gusto mo may kasama ka.
Ako: naku huwag
na, ang gawin mo eh turuan mo na lang ako sa mga gawain dito sa loob, at ayaw
ko ituring nyu akong bisita dito.
Jeffrey: sige kung
iyan ang gusto mo. sige mauna na ako. balikan na lang kita mamaya pag kakain na
Ako: sige.
Salamat.
Sa ag labas ni jeffrey ng kwarto ay doon ako
nakaagisip ng mabuti kung anu talaga ang plano ko at kung gaano ako katagal
dito. Habang nagiisi ako ay narinig kong nag ring aking cellphone.
Ring....Ring...
Kinuha ko ito at ng tingnan ko kung sino ito, tama
ang hinala ko si Momy ang tumatawag. Di ko alam kung sasagutin ko ito o hindi.
Halos ilang ring din ang narinig ko at ito ay kusang tumigil, inisip ko na lang
siguro tama lang ang ginawa ko nagyon gusto ko lang talagang mapag-isa sana ay
maitindihan ako nila momy sa ginawa ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at ako ay nakaidlip ni di
ko na namalayan ang paglipas ng oras, nagising nalang ako sa dahil sa pag
yugyug sa akin at sa boses na narirrnig ko.
???: Jake...
Jake... gising na... Jake...
Ako: huh? Asan
ako? anung oras na ba?
???: Jake... si
jeffrey ito, gising na, at may gagawin pa tayo baka abutan tayo ng sikat ng
araw niyan..
Bigla akong bumangon at doon ko napagtanto na totoong
nasa simbahan ako, akala ko ay nananaginip lang ako, pag tigin ko sa orasan ko
ay 3:00am. Gusto ko mang bumalik sa pagtulog ay hindi ko na ito ginawa dahil sa
binitiwan kong salita na ituring nila ako dito na kasama at hindi bilang isang
bisita ibig sabihin noon a gigising ako sa ag gising nila, gagawin ko lahat ng
gawain nila at kakainin ko lahat ng kanilang kinakain.
Sa paglipas ng bawat araw ay unti unti na akong
nasasanay sa mga gawain sa loob ng simbahan, halos 3 araw na simula ng iwan ko
sila momy sa resthouse sa tagaytay di ko alam kung nandoon pa ba sila or bumlik
na sila sa maynila tulad ng sabi kong iwanan na muna nila ako.
Nakakapagod man ang mga gawin ay pilit ko itong
ininda dahil kung tutuusin ay masaya naman palang kasama ang mga sakristan at
mga pari lalong lalo na si jeffrey di ko alam kung bakit ang gaan din ng
pakiramdam ko sa kanya, totoong magkapangalan sila at magkahawig ni Jom pero
alam ko iba si Jom iba si Jeffrey.
Kinagabihan matapos ang gawain ay nag ring ulit ang
cellphone ko sa pagkakataong ito ay di ko kilala kung sino ang tumatawag.
Ako: Hello...
Sino o ito?
???: Hello
anak... kumusta ka na? Bakit di mo kami sinasagot? Asan ka ba? Gusto ka naming
makita?
Sa narinig ko alam kong sila momy iyon di ko alam
kung anu ang isasagot ko, di ako makapag salita samantalang patuloy parin sa
pag sasalita si momy sa kabilang linya at naririnig ko na parang umiiyak si
momy, nagiguilty talaga ako ni di ko man sila inisip, di man lang sumagi sa
isip ko na may mga taong nagmamahal talaga sa akin, inisip ko lang ang sarili
ko, pero talagang napgtanoto ko na kahit masakit ay kailangan ko paring gawin
ito para na rin sa ikabubuti ko at mga taong nakapalibot sa akin. Alam kong
patuliy na mag aalala sina momy sa akin, naisip ko rin na para mabawasan naman
ang kanilang pag aalala sa aking ay napag desisyonan ko na i text na lang sila
at ipaalam na nasa mabuti akong kalagayan.
“sorry
po momy.. pero pabayaan nyo po muna ako.. gusto ko lang munang mapag isa
ngayon. Please huwag po kayong mag-alala sa kalagayan ko. Ok naman po ako dito.
Please po huwag ninyo po numang ipaalam sa iba na di ninyo ako kasama lalong
lalo na po kay Joana. Sana po pagbiyan ninyo ako”
Di ko alam kung tatanggapin nila momy ang aking text
or kung maiintindihan nila ako, pero talagang buo na ang aking pasya.
Lumipas pa ang mga araw na walang komunikasyon sa
kanilang lahat, kina momy, dady, kay insan at lalo na kay Jom. Naging maganda
ang pakikitungo ko kay Jeffrey siguuro dahil sa nakikita ko sakanya si Jom, and
then it hit me, talagang mahal ko na rin si Jom kasi kahit anung paglalayo at
paglimot ang gawin ko eh para atang sadyang ang tadhana ang gumagawa ng paraan
para di ako mag tagumpay.
Namalayan ko na lang na halos 2 linggo na pala ako
nananatili sa simbahan, medyo masakit man dahil kahit papanu ay napamahal na
rin saakin sil father lalo na si Jeffrey pero napagdesisyonan ko nang umalis at
harapin ang mga taong pilit kong iniiwasan at harapin ang mga problemang pilit
kong iniiwasan. Nakapag empake na ako ng mga gamit ko at dahan dahang lumabas
ng aking kwarto, ng bilgang may tumawag sa akin.
Jeffrey: Jake
san ka ngayon pupunta?
Ako: aalis na
ako jeffrey, kailangan ko na kasing harapin ang mga taong pilit kong iniwasan
at iniwan at mga problemang pilit ko ring kinalimutan sa loob ng 2 linggo. Teka
asan si father gusto ko sanang mag paalam eh.
Jeffrey: Nasa
loob ng kanyang opisina, halika samahan kita..
Nasa loob na kami ng opisina at doon ko nakausap si
father.
Ftaher: oh
Jake, may kailangan ka ba?
Ako: father,
kasi gusto ko po mag pasalamat..
Father: para
saan naman?
Ako: para po sa
pag papatuloy ninyo sa akin dito.
Father: iyon
lang ba. Wala iyon hijo, teka bakit parang napapa-alam ka na?
Ako: opo father
aalis na po ako, siguro po ay panahon na para harapin ko mga tao at problemang
pilit kong iniwasan.
Father: tama
yan, so saan ka na ngayon pupunta?
Ako: babalik na
po ako sa mga magulang ko, malapit lang naman po ang bahay namin dito eh.
Father: ganun
ba, sige mag ingat ka.
Sa pag papa-alam ko ay di ko mapaliwanag ang bigat ng
nararamdaman ko sa puso ko, di ko alam kung bakit iyon ang aking nadarama.
Naglalakad na ako palabas ng simabahan ng muli akong tawagin ni Jeffrey.
Jeffrey: Jake!
Teka hintay!!
Naalingon ako at nagtaka dahil sa aglingon ko ay
isang Jeffrey na naka poloshit na puti, maong pants at chucks na sapatos.
Nabigla ako sa nakita ko, naguguluhan sa nararamdaman ko di ko alam kung
kikiligin ako o matutuwa. Di ko rin alam kung itataboy ko siya or pababayaan ko
lang.
Ako: ha? San ka
pupunta? Bat ganyan ang ayos mo?
Jeffrey: nag
paalam ako kay Father, sabi ko kung pwede kitang ihatid sa inyo. Tapos hayun
pumayag naman si father.
Ako: hay naku
Jeffrey, huwag na kaya ko na ang sarili ako, kung gusto mo talaga akong
tulungan eh ihanap mo na lang ako ng masasakyan pabalik sa amin.
Jeffrey: ok!
Sige, dito ka lang ha..
Umalis si jeffrey sandali at saka sa kanyang
pagbabalik ay nakita ko na lagn siya nakasakay sa loob ng isang taxi. Bumaba na
siya at ipinasok ang mga gamit ko, akala ko eh ako lang ang sasakay ay lakig
gulat ko ng sumakay din siya at tumabi sa akin. Wala kaming imikan sa habang
nag babyahe kami, ramdam ang tesyong unti unting namumuo sa pagitan namin.
Habang nasa byahe ay nagsimula siyang mag salita para basagin ang katahimikan
namin.
Jeffrey: Jake..
Ako: hmm...
Jeffrey: Jake...
panu kung sabihin kong...
Ako: anu?
Jeffrey: Jake...
kasi...
Ako: naku
jeffrey parang alam ko na hmmmppppp...
Isang halik ang kanyang ibinigay na walang pasabi o
kung anu man, mas lalo ako naguguluhan sa nararamdaman ko ngayon, alam ko sa
sarili ko may nararamdaman na rin ako para kay Jeffrey pero, Mahal ko ba rin ba
si Jeffrey dahil sa nakikita ko sa kanya si Jom?

No comments:
Post a Comment